Netizens, nadurog ang puso sa video ng aso na di makakain ng maayos dahil sa butas sa leeg

Netizens, nadurog ang puso sa video ng aso na di makakain ng maayos dahil sa butas sa leeg

- Viral ngayon ang video ng asong di makakain ng maayos dahil sa malaking butas sa leeg

- Suspetsa ng nagmalasakit na netizen na kakatayin sana ang aso ngunit nakatakas lamang ito

- Nadurog ang puso ng mga nakapanoog ng video at marami ang nais sanang magpaabot ng tulong sa aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng asong kumakain ng noodles pero kitang kita na hirap ito at di makakin ng maayos.

Ayon sa post ng netizen na si John Paolo Santiago Navea, nakita raw niya ng kanyang ina ang asong ito na pilit iniinmom ang tubig na mula sa kanilang pinaglabahan.

Dala ng awa, pinainom nila ng maayos ang aso at sinubukan pa nila itong pakainin ng noodles dahil mukha rin itong gutom na gutom.

Ngunit, napansin niya na tila hirap na hirap kumain ang aso. Nang pinagmasdan nila itong mabuti, lumalabas din pala ang kinakain nito sa isang malaking butas sa kanyang leeg.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Suspetsa nina John na marahil, kakatayin sana ang aso ngunit nakatakas ito. Ito siguro ang dahilan kumbakit may malaking butas ito sa leeg ngunit himala pa itong nabuhay.

Dahil dito nanawagan na rin si John na sana matigil na ang pagpatay at pagkatay sa mga aso. At kung may asonaman daw na di naman kayang alagaan ay mas mabuti pang ibigay na lamang daw ito sa may kakayanan o sa kinauukulan.

Samantala, maging ang mga netizens ay nahabag sa kalagayan ng aso sa viral video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wawa naman..!! Parang di sya kumain"
"umpisa palang diko na kayang panuorin, mamatay at makarma sana gumawa nyan sa kanya"
"Huy naiiyak ako, sakit sakit"
"Nakakabwiset yung gumagawa sa mga dog ng ganon"
"May goodness!!! Sobrang nakakaawa naman nakakaiyak bakit naman ganun!!!!! Asan po yung dog na yan???"
"To the person who took this video pls help this poor dog. He deserve to eat well to survive."

Umabot na sa 1.5 million views ang video na binahagi nito lamang Huwebes, Diyembre 6. Sana ay matulungan na ang aso at mabuhay ito ng malusog at may mabuting puso na mag-aalaga sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel