Wishes do come true! Pasilip sa Chateau de Milagros ni Joel Cruz
- Isang pangarap lamang para kay Joel Cruz ang kanyang mansiyon na may swimming pool noong siya ay bata pa
- Bilang isang bata, namangha siya sa mga magagandang bahay na kanyang nakita sa TV
- Mas masaya naman daw ngayon at na eenjoy niya ang buhay sa mansiyon kasama ang kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Anim na taong gulang lamang si Joel Cruz nang pangarapin niyang magkaroon ng sasriling masiyon na may swimming pool. Namangha siya sa mga naggagandahang mga bahay na nakita niya noon sa Lifestyles of the Rich and the Famous.
Sumamasama din siya noon sa ama niyang si Dionisio Cruz na may-ari ng trucking service. Doon siya nakakakita ng magagarang mga bahay kapag naghahatid sila ng mga caterers sa mga exclusive subdivisions.
"Gustong-gusto ko yung lifestyle nila,. Gusto ko yung buhay nila na ang lalaki ng bahay.
"May swimming pool, ang gaganda ng kotse, yung ganun." saad ni Joel sa isang panayam sa PEP.ph.
Naitanong din niya sa ama kung bakit hindi ganun kaganda ang bahay nila at walang swimming pool.
"Sabi ng father ko, they're professionals daw. Mga doctors, lawyers, or mga high-ranking positions sa government, yung ganun.
Ibinahagi din ng Lord of Scents ang mahalagang aral na itinuro sa kanya ng ama na talaga namang isinapuso niya.
"'Tapos sabi niya, mag-aral daw akong mabuti... magsipag daw ako, maging matiyaga daw ako.
"Magkaroon daw ako ng sarili kong negosyo, magiging successful daw ako, magkakaroon din daw ako ng ganun."
Sa kasalukuyan, nakatira ang 53 taong gulang na negosyante sa three-story mansion na tinatawag niyang Chateau de Milagros.
May mga bahay din siya sa Baguio at Batangas ngunit ang Chateau de Milagros ang kanilang tinutuluyan.
Ibinahagi ng YouTube channel na showbitz and more ang mga litrato na kuha sa loob ng mansiyon ni Joel.
Ang bahay daw na ito ay naitayo noong 1950 ngunit ito ay 174 square meters lamang daw noon. Dahil naging malago ang kanyang negosyo ay nabili niya ang mga kalapit na lote at pinalaki na din ang bahay.
Binubuo ito ng 12 kwarto, paikot na staircase, elevator, swimming pool, palaruan at may parking lot.
Tinawag niya itong Chateau de Milagros mula sa pangalan ng kanyang ina.
May elevator din ito para hindi mahirapan ang kanyang ina na ngayon ay matanda na. Kung noon daw ay itinayo ito para sa kanyang ina, ngayon ay para na rin sa kanyang walong anak, sina Sean at Synne; Harry at Harvey; Charles at Charlotte; Zeid at Ziv.
"Now I really can say na I'm enjoying my home because I have my family. I have my children. That's very, very important sa bahay na ito, yung mga anak ko."
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
"Ibang feeling kasi yung mahal na mahal mo yung bata, 'tapos mga bata din nagre-reciprocate din sila na mahal na mahal din ako bilang ama nila.
"So, I believe yung love na nag-e-exist dito, yun yung talagang meaning ng bahay, ng isang home."
Si Joel Cruz ay kilala din sa bansag na Lord of Scents dahil sa tagumpay ng kanyang negosyong pabango. Kahit walang asawa ay mayroon siyang walong anak sa pamamagitan ng vitro fertilization.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter
Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!
Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers
Source: KAMI.com.gh