Topnotcher sa CPA Board, 'di pla pinangarap maging accountant

Topnotcher sa CPA Board, 'di pla pinangarap maging accountant

-Kahit pa nga hindi ang maging accountant ang kanyang unang pinangarap, nanguna pa rin sa CPA Board si Lahaira Amy Reyes

-Laking gulat daw talaga niya nang ibalita sa kanya na siya ang nag-top

-Bukod kasi sa pagiging doktor ang kanyang ninais, inamin rin niyang nahirapan siya ng husto sa nasabing pagsusulit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Una raw pinangarap ni Lahaira Amy Reyes ang maging isang doktor. Ngunit dahil sa pagiging praktikal nagawa niyang bitawan ang pangarap at kumuha ng accountancy.

Kwento nito, isang family doctor ang siyang nag-impluwensiya sa kanya para naising maging manggagamot.

Kahit noong siya ay bata pa at tumuntong sa high school ninais na niyang maging obstetrician-gynecologist.

Naisip na rin niyang kunin ang Medical Technology bilang kanyang pre-medical course.

Nagbago lamang ang kanyang desisyon nang kumuha na siya ng exam sa University of Santo Toma (UST).

Anito, napagtanto lamang niya ang mahabang panahong gugugulin niya sa kursong medisina at ang sobrang mahal ng kursong ito.

Naisip lamang daw niyang maging praktikal.

At tulad ng ibang estudyante ay nakaranas din daw siya ng pagbagsak sa mga pagsusulit.

Dahil dito, mas naging mapursige siya sa pagaarala nito lalo pa nang makaramdam ng pressure mula sa mga magulang na nangangarap na siya'y maging accountant.

Bukod dito, kailangan din niyang mapanitili ang mga grado para maging iskolar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Topnotcher sa CPA Board, 'di pla pinangarap maging accountant

Photo source: Rach Feed
Source: Facebook

At sa kanyang tiyaga at pagpupursige, nakatapos si Lahaira bilang Summa Cumlaude at siya rin ang batch valedictorian sa College of Accountancy.

Sa kabila nito, natakot pa rin daw siya na hindi pumasa sa board exam. Pag-amin ni Lahaira, nahirapan siya sa exam lalo pa nang madagdag ang Train law sa pagsusulit.

"Nung last day, sobrang hirap ng tax; parang habang nag-eexam ako nag-sosorry na ako sa mga profs ko. Sorry, sorry baka hindi ako umabot," anito.

Kaya naman laking gulat niya nang malamang hindi lamang niya naipasa ang board exam kundi siya pa ang nanguna dito!

Nang matanong naman kung nais pa niyang maging doktor, sinabi nitong tanggap na niyang hindi ang pagiging doktor ang kanyang tadhana.

Mula sa KAMI, binabati ka namin Lahaira!

Topnotcher sa CPA Board, 'di pla pinangarap maging accountant

Photo source: Rach Feed
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel