Mga netizens, nagreact sa pagpapalaya ng korte kay Bong Revilla

Mga netizens, nagreact sa pagpapalaya ng korte kay Bong Revilla

- Hinatulang hindi guilty si dating Senador Bong Revilla sa kaso niyang plunder

- Natuwa naman ang pamilya Revilla sa naging desisyon ng Sandiganbayan

- Subalit, iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa pasya ng korte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nauna nang naibalita ng KAMI na hinatulang “not guilty” ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos nitong makulong sa loob ng apat na taon. Nalaman naman ng KAMI na tila iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa naging pasya ng Sandigan na ito.

Nais ibalita ng KAMI ito upang maipahayang ang saloobin ng iilang mga netizens sa naging hatol sa kaso ni Revilla.

Nasangkot si Revilla sa “pork barrel scam” kung saan inakusahan siya sa paglilikom diumano ng P224.5 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel. Kaya naman, nakasuhan ito ng plunder at kinulong sa Camp Crame sa loob ng apat na taon.

Ngayon nga ay nagbubunyi ang pamilya Revilla dahil makakalaya na ang dating Senador na may planong muli magbalik sa Senado.

Narito naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens base sa Facebook page ng Inquirer at GMA News:

“Tsk tsk.....The poor go to jail while the Rich get out free !”
“D ka man guilty sa SANDIGAN BAYAN pero sa ordinaryong mamamayan GUILTY ka p rin..”
“Tawa na lang tayo Pinas. Tayo magbabayad ng mga kinulimbat nila. At ang kukulimbating pa nila. Mabuhay ang anti-corruption program ni Digong.”
“Gantihan nyo na lang this coming.eleksyon lahat ng alam nyo na tuta ni dutae wag nyo iboto.”
“So OK nakalaya sya. Wala tayong magagawa. Ang alam ko lang napakaTANGA na ng mga boboto ulit sa kanya! So please, kung wala na tayo magawa sa justice system, let's just make sure na di na mananalo sa election to!”
“How is that possible na ung kasabwat nya ay guilty pero sya hindi? Asan ung anti corruption mo digong.”
“Pera pera lang lahat dito sa bayan natin. Pero magnakaw ka ng 50 pesos na cellphone para makakain ang pamilya mo kulong ka ng limang taon. Go figure.”

Samantala, naiulat din ng KAMI na naging emosyonal si Revilla at ang kanyang asawa na si Lani Mercado matapos i-anunsyo ang hatol. Natuwa rin ang anak nilang si Jolo Revilla na makakauwi na ang Papa niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel