"Ayaw kong isipin," Lea Salonga sa posibilidad umano na hiranging National Artist

"Ayaw kong isipin," Lea Salonga sa posibilidad umano na hiranging National Artist

- Hindi maikakaila ang malaking kontribusyon at karangalan na ibinigay ng international music superstar na si Lea Salonga sa Pilipinas

- Kaya naman daw hindi na rin naiwasan na mapag-usapan ang tungkol sa posibilidad ng world-class performer na hirangin umano bilang National Artist ng Pilipinas

- Sa panayam kay Tony-award-winning-actress ay sinagot niya ang katanungan tungkol sa possibilidad na ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ani pa sa balita na nalaman ng KAMI, sinagot ni Lea Salonga ang katanungan tungkol sa posibleng paghirang sa kanya bilang National Artist ng Pilipinas.

Ito raw ay naganap sa launching ng kanyang 'Bahaghari' album at dito ay sinagot naman ng world-class performer at award winner ang naturang tanong.

Saad pa umano ni Lea Salonga:

"Ay, I don't know, ayaw kong isipin kasi hindi naman 'yun ang nagiging motivation for me to do what I do. It's never it, it should not be it."

Patuloy pa umanong pahayag niya:

"Kung mangyari, good, kung hindi mangyari, also good."

Gayunpaman raw masaya ang international music superstar sa mga naluklok o hinirang na mga National Artists.

Ayon pa umano sa kanya:

"I'm glad that there are still artists recognized for the bread of their work, sa lawak ng kanilang naging contribution to Philippine culture via whatever their artistic field happens to be. I was ecstatic for Larry Alcala who is included this year, and Tito Bobby Mañosa [Francisco Mañosa]. So I'm glad that it's still going, na kahit papaano our artists that have done so much for our country have been recognized."

At tungkol naman daw sa hindi pagkasali kay Superstar Nora Aunor, ang tugon naman ni Lea ay:

"It will happen... Maybe not in this administration but it will happen because you cannot deny her body of works."

Si Lea Salonga ay isa sa mga Pilipino na patuloy pa ring nagbibigay ng karangalan sa bansa dahil sa kanyang taglay na talento bilang mang-aawit at aktres hindi lang dito sa bansa natin kung hindi sa buong mundo.

POPULAR: Read more news about Lea Salonga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel