Instrumento daw ni God! Dating palaboy at adik, may ng free gupit sa mga kapos

Instrumento daw ni God! Dating palaboy at adik, may ng free gupit sa mga kapos

-Tinagurian siyang "street barber" dahil sa kanyang libreng serbisyo para sa mga taong kapos

-Dati daw siyang palaboy at minsan na ring nalulong sa droga

-Ngunit ngayon, naniniwala siyang instrumento siya ng Diyos upang makatulong naman sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga ang kabutihang-loob ng isang lalaki sa Davao. Tinagurian itong "street barber" dahil sa paggugupit nito sa kalye ng libre.

Kwento ng 28-anyos na si Terrence Zabala, dati rin siyang palaboy. Minsan na rin daw siyang nalulong sa masamang bisyo.

"Palaboy lang din ako noon. Lumayas ako sa bahay namin dahil binubugbog ako ng papa ko. Nalulong din ako dati sa droga tapos nagbago lang ako dito sa Davao,"

Ginagawa niya ang kanyang kawanggawa sa araw na siya ay walang pasok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinag-ipunan rin niya ang kanyang gamit sa panggugupit para makatulong sa iba lalo na sa mga walang pampagupit o sa mga kapos.

Ngunit hindi lamang panggugupit ang nagagawa niya para sa mga ito. Nakikinig din daw siya sa kwento ng mga ito.

Ang mga nagugupitan ni Terrence masaya siyempre na may libreng gupit sila at lubos na nagpapasalamat sa binata.

Ani Terrence, instrumento lamang siya ng Panginoon upang makatulong sa iba.

"Inutusan Niya akong tulungan ang mga walang-wala. I- share ang blessing at ang talent. Wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako nang libreng gupit," ang kahanga-hanga nitong pahayag.

Sa maliit na bagay na ito, maituturing ng malaking biyaya para sa iba lalo pa at galing sa isang taong nagpapahayag ng mga salita tungkol sa Panginoon.

Mula sa KAMI, mabuhay ka Terrence!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel