Mag-ingat po sa iniinom! "Killer lambanog" may nakalalasong kemikal

Mag-ingat po sa iniinom! "Killer lambanog" may nakalalasong kemikal

-Lumabas na ang resulta ng pagsusuri sa lambanog na ininom ng mga nasawi nito lamang nakaraang linggo

-Ilang report ng pagkamatay ang naitala sa iba't-ibang lugar pagkatapos lamang umanong uminom ng lambanog

-Ayon sa resulta, may nakalalasong kemikal na nakahalo sa mga lambanog na sinuri ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakaaalarma ang sunod-sunod na report kaugnay ng mga pagkamatay ng ilang mamamayan na uminom lamang ng lambanog.

Noong nakaraang linggo lamang ay sunod-sunod na ulat ng pagkamatay mula sa Quezon City, Laguna, Tarlac at Pampanga na una nang naiulat ng KAMI.

Dahil dito, nagsagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad sa nasabing nakalalasing na inumin. Ang resulta, ang lambanog na ininom mula sa Luisiana sa Laguna, Antipolo City at sa Pampanga na naunang naitala ang pagkamatay, mayroong methanol.

Lumabas sa resulta na 11.7 percent ang methanol content ng lambanog na nainom ng mga biktima sa Laguna; 16 percent sa sample ng lambanog na nakuha Antipolo City, at 21.8 percent mula sa sample na nainom sa Pampanga.

"Dapat wala or kung meron man it's a natural methanol. Dapat ho 0.1% lang," ayon kay Charade Puno, director general ng FDA.

Sabi pa nito ang mga posibleng epekto nito ay multiple organ failure, pagkabulag, coma at pagkamatay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"In 12 to 24 hours pa ninyo malalaman kung kayo ho ay nalalason. Ang masaklap ho doon dahil matagal nga ho yung mag-kick in yung lason wala ho kayong preventive measure na magawa," dagdag nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, dahil sa bahay lang ginagawa ang karamihan sa lambanog walang sapat na teknolohiya o kagamitan upang maihiwalay ang methanol.

Dagdag pa ng mga ito, may peligro ring dala ang paggamit ng plastic bottle.

"Another possible cause is the plastic bottle. 'Pag plastic at nilagyan n'yo ng alcohol sa loob madalas ho yung leeching na tinatawag. Ibig sabihin ho yung plastic na chemical, lumilipat ho doon sa alkohol, " paliwanag ni Puno.

Kukunan rin daw ng sample mula sa mga lambanog na nainom ng mga namatay sa Quezon City, Sta. Rosa at Calamba, Laguna.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel