Mystica, ipinasailalim ni Raffy Tulfo sa isang drug test dahil sa sumbong nito

Mystica, ipinasailalim ni Raffy Tulfo sa isang drug test dahil sa sumbong nito

- Sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5 naman dumulog ang aktres na si Mystica upang humingi ng tulong

- Inirereklamo nito ang dalawang personalidad dahil sa panghihiya sa kanya

- Sa gitna ng pag-uusap ay tinanong naman ni Raffy kung payag ba ang aktres na magpa-drug test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hiningi ng beteranong reporter na si Raffy Tulfo ang permiso ni Mystica na ipasailalim siya sa drug test kasunod ng pagsusumbong nito sa kaniyang programa sa TV5.

Nalaman ng KAMI na dumulog sa programang “Wanted Sa Radyo” ang nasabing aktres upang ipaabot ang kaniyang reklamo sa blogger na si Drew Olivar at isa pang kasama.

Ayon kay Mystica, dahil daw sa kaniyang pananawagan sa mga sikat na artista ay patuloy na daw ang pamba-bash sa kaniya ng nasabing blogger at ng isang Niño Barsaga.

Matatandaang humingi ng tulong ang aktres sa Kapamilya actor na si Coco Martin na mapasama siya sa “Ang Probinsyano” na agad namang pinaunlakan.

Matapos lumabas sa top-rating show ay kay Michael V naman siya nanawagan ng tulong na mapabilang sa mga serye nitong Bubble Gang o Pepito Manaloto.

Base sa reklamo ni ipinaabot ni Mystica, bukod daw sa mga negatibong komento ni Drew at Niño ay na-frame up pa diumano siya nito at nagkunwaring “booker” upang makuha lang ang contact number at hiyain siya sa publiko.

Ngunit depensa naman ng inirereklamo ay handa siyang harapin sa korte ang anumang formal complaint ng aktres kung talagang nabastos niya ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa gitna ng interview ay biglang tinanong ni Raff yang dating “Ang Probinsyano” actress kung gumagamit daw ba ito ng ipinagbabawal na gamot.

Mariin namang itinanggi ni Mystica na gumagamit siya nito at sa katunayan nga daw ay wala naman ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga adik sa droga.

Dahil dito ay sinabi ni Raffy Tulfo na kung papahintulutan ng aktres ay isasailalim siya sa isang drug test.

Kapag negatibo daw ang resulta ay makakaasa si Mystica ng tulong mula sa kaniya ngunit kapag positibo naman ay kabaliktaran ang mangyayari.

Agad namang pumayag sa kasunduang ito ang nagrereklamong celebrity.

Narito ang video ng kaniyang sumbong:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naibalita ang naging paghingi ng tulong ng aktres sa lead actor at director ng Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Si Mystica ay isang Filipino singer na tinaguriang “Celebrity Rock Diva” at “Split Queen” dahil sa kaniyang mga inaabangang split pagkatapos ng performance. Siya ang kumanta ng mga awiting “Labi Sa Labi” at “Pusong Salawahan.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let's Play: Pera or Bayong? We are again catching Filipinos and suggesting them to choose: they can either take money or the unknown present (native bag). What would you choose without knowing what's inside the bag? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel