3 taong gulang na batang babae, kasama ng mga magulang sa pag-akyat ng mga bundok

3 taong gulang na batang babae, kasama ng mga magulang sa pag-akyat ng mga bundok

- Kasama ng kanyang mga magulang na mountaineers ang tatlong taong gulang na si Sierra sa pag-akyat ng bundok

- Ginawa nila ito sa kabundukan sa Alimodian, Iloilo na bahagi ng tinagurian nilang 'Santa climb'

- Sa bawat pag-akyat nila ng bundok, kasa-kasama narin nila ang anak kahit ito ay musmos pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Koneksyon sa panginoon ang pag-akyat sa bundok ng mag-asawang Dave at Sha Emberga na taga-Guimaras. Sa pagmamahal sa pamumundok, pinangalanan nila ang kanilang anak na Sierra Mia na may ibig sabihin na "my mountain range."

Ayon sa ama ni Sierra, sa murang edad nito, nais niyang mamulat ang anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan kaya naman kasa-kasama na nila ito sa pag-akyat ng bundok.

Bahagi ang pamilya ni Sierra ng tinatawag na "Santa climb" o taunang gift-giving activity ng mga mountaineers at lokal na pamahalaan ng Alimodian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Namigay ang grupo ng mga damit pagkain at nagkaroon ng munting programa para sa mga naninirahan sa bundok.

Dinaanan din nila ang taniman ng high-valued crops tulad ng sili at brocolli. Nakakahuli rin daw ng tilapia sa campsite.

Nakamamangha rin daw ang pagsikat ng araw na masasaksihan sa mismong tuktok ng bundok.

Layunin ng mga mountaineers na imulat ang mga bagong hikers ang pangangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel