Jeepney driver, huminto sa gitna ng kalsada para lang isalba ang kuting

Jeepney driver, huminto sa gitna ng kalsada para lang isalba ang kuting

- Viral ngayon ang video ng isang jeepney driver na huminto sa pagmamaneho para lang sa isang kuting

- Natunaw ang puso ng mga netizens sa ginawa na ito ng jeepney driver

- Nagdesisyon namang kupkupin ng nagbahagi ng video ang kuting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang ginawa ng isang jeepney driver na pagpulot sa kuting sa gitna ng kalsada.

Binahagi ng netizen na si Kristian Nabus kung paano huminto ang jeepney driver sa gitna talaga ng kalsada para lamang isalba ang buhay na kuting.

Naganap ito bandang 9:00 ng umaga sa Quezon Ave., Quezon City

Kitang kita sa video kung paano pinahinto talaga ng driver ang paparating na taxi para damputin ang kuting at ilagay ito sa gilid ng kalsada upang di masagasaan.

Bago pa man makabalik sa jeep ang driver, Pinakuha muli nito ang kuting at kanyang kinupkop.

Naisip niya itong kupkupin dahil baka makabalik pa rin ang kuting sa gitna ng kalsada.

Tinatayang nasa 2 hanggang 3 linggo ang tanda ng kuting. Dinala niya ito sa kanilang trabaho kung saan marami silang alagang pusa.

Samantala, maraming netizens naman ang natuwa sa ginawa na ito ng mga motorista dahil kung sa ibang tao lang ito, malamang nasagasaan na ang walang malay na kuting.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napakabuti mo poh kua.. nung nilagay mo yung kuting sa bag, nasabe ko nalang, ligtas kana sweety.."
"thank God kay kuya jeepney driver for saving the furbaby. may God bless and keep you always."
"TAMA, Hindi lang naman kelangsn mabuhay lang ANG sangkatauhan May karapatan din ANG hayop NA Maybuhay SA sandaidigan,, MABUHAY KA BAYAN !! GOOD DEEDS!!! MAY GOD BLESS YOU ALWAYS!!!!"
"Kudos to the jeepney driver and to the motorcycle kuya for keeping kitty safe"
"God Bless u sir !Ganyan din ako mabait ako sa mga hayop sir me karapatan din cla mabuhay"
"Bless your good heart. Galing niyo ni Kuya Driver. Hands down. Spread the love always!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel