Nakakabahala! 9 na iba pa, patay din ng uminom ng branded lambanog sa Laguna

Nakakabahala! 9 na iba pa, patay din ng uminom ng branded lambanog sa Laguna

-Pagkatapos ng sunod-sunod na ulat kaugnay sa pagkamatay ng ilang kalalakihan pagkatapos uminom ng lambanog, 9 na iba namatay din

-Ayon sa ulat, parehong ng sintomas ang mga naramdaman ng mga lalaking namatay sa QC ang naramdaman ng 9 na nasawi

-Patuloy namang iniimbestigahan ang brand ng lambanog na ininom nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkatapos na maiulat ang sunod-sunod na pagkamatay ng ilang kalalakihan sa Quezon City, Laguna at Tarlac na una nang naibalita ng KAMI, siyam na iba pa namatay rin sa magkaka-ibang bayan ng Laguna.

Ayon sa ulat ng GMA News, kinilala ang mga biktima na si Gonzalo Latorre, Jr., Severino Callos, Ermino Caramay at Roy Basbas.

Katulad ng iba pang nasawi, nakaramdam din daw ng pananakit ng tiyan ang mga biktima at pagkawala ng paningin. Nahirapan din daw ang mga itong huminga.

Si Latorre ang unang namatay na sinubukan pa umanong i-revive.

Sumunod ay si Callos na patay na ng makita ng mga kaanak nito.

"Matigas na siya nang makita namin...Pinakain ng kaunti, pinainom ng kape. Nilipat doon, eh di sinabi niya, wala daw siyang makita. Tapos ang hinahalukay raw, ang bituka." ayon sa kapatid nito.

Sumunod na namatay sila Caramay at Basbas.

Dalawa sa anim na nag-inuman, nakaligtas. Isa dito si Robert Cruz, na agad daw kumain ng asukal nang may maramdamang kakaiba sa katawan.

"Lagi naman kaming umiinom niyan. Ngayon lang kami naapektuhan," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinakita pa nito ang plastic bottle na lalagyan ng lambanog na kanilang ininom. Naiwan pa ito sa lugar kung saan sila nag-inuman.

Ang kapatid naman daw ng binilihan nilang tindahan ay uminom din ngunit hindi naman daw ito naapektuhan. Handa naman daw itong makipagtulungan sa imbestigasyon.

Sa Calamba naman, lima din ang namatay pagkatapos na uminom ng kaparehong brand ng lambanog.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang mga ito noong November 28.

November 29, nasawi si Jonathan Barceta na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, paninikip ng dibdib at lumabo ang paningin.

"Tumigil ang heartbeat tapos 'yun na nga ang findings niya, tumaas ang potassium. Nag-cardiac arrest," ayon sa kaanak ng biktima sa panayam sa GMA News.

Sa burol nito, nag-inuman ang mga kumpare nito ng nasabing lambanog at magkakasunod na nasawi rin sila Jesus Ulanday, kasunod si Roderick Martinez, Cornello Opulencia at Nestor Mancay.

Sa report, sinusuri na nga City Health Office ang brang ng lambanog na itinuturong salarin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel