Nakapanlulumo! OFW, natuklasan 4 taon na 'di nagaaral mga anak na sustentado nya

Nakapanlulumo! OFW, natuklasan 4 taon na 'di nagaaral mga anak na sustentado nya

-Nakapanlulumo ang natuklasan ng OFW na si Diana, habang kayod-kalabaw siya sa ibang bansa ang mga anak pala niya ay 'di na nag-aaral

-Ang masaklap pa ay apat na taon na palang hindi pumapasok ang mga ito

-Ang salarin ay ang mismong mag-asawang pinagkatiwalaan niya na pangalagaan ang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masakit para sa isang ina na makitang hindi makapag-aral ang kanyang mga anak. Ngunit mas masakit ang natuklsan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Diana.

Nabuko niya kasi na ang kanyang tatlong anak ay hindi na pala pumapasok sa paaralan. At ang mas masaklap pa ay apat na taon nang 'di nag-aaral ang mga ito.

Ang salarin ay ang mag-asawang Desiree at Froy na pinagkatiwalaan niya na mangalaga sa kanyang mga anak.

Anito, bukod sa sweldo na P7000 ay sagot niya rin ang kuryente, tubig at pagkain ng mag-asawa. Ang tuition fee at panggastos ng mga bata ay ipinapadal din ni Diana.

Kwento pa nito, hindi siya nagduda sa nagyayari dahil taon-taon siyang umuuwi sa Pinas at magbabakasyon sa loob ng salawang linggo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Araw-araw naman daw na pumapasok ang mga ito at hinahatid pa daw ng mag-asawa. Kapag nasa ibang bansa siya ay nakikita naman daw niya na naka-uniporme pa ang kanyang mga anak.

Hanggang sa nagsumbong na ang kanyang panganay na anak at ipinagtapat na nito ang katotohanan sa kanilang ina.

Takot daw ang kanyang naramdaman para sa mga anak. Kaya naman nagpatulong siya sa programa ni raffy Tulfo upang agad itong maaksyunan.

Nang magharap-harap sila ay umiiyak na ang mag-asawa maging ang kapatid ni Desiree. Nagsisisi na umano ang mga ito.

Noong una ay nakipag-areglo pa si Diana at nakipagkasundo na lamang sa mag-asawa ngunit nang nasa barangay na sila ay muling nagbago ang kanyang desisyon.

Sa ngayon ay desidido na mulis siyang ituloy ang kaso laban kay Desiree. Aniya, si Froy ay sumusunod lamang sa asawa kung kaya hindi niya ito kakasuhan.

Dahil sa trabaho, ang ama na lamang ni Diana ang magpapatuloy sa pagharap sa mga ito sa pamamagitan ng SPA.

Ang haharapin ng mga itong kaso ay child abuse. Dahil sa kakulangan ng ebidensiya para sa kasong estafa.

Isinama na rin ni Singapore upang siya na ang mangalaga sa mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel