Blooms & Stars! 12 Celebrities and their breathtakingly beautiful birth flowers

Blooms & Stars! 12 Celebrities and their breathtakingly beautiful birth flowers

Kung meron mang mga precious stones and gems ang ating buwan ng kapanganakan meron din palang tinatawag na birth flowers.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman namin dito sa KAMI na meron palang kaugnay na bulaklak ang buwan ng ating kaarawan.

Kaya ngayon, aalamin natin kung anu-ano ang birth flower ng 12 celebrities at ng iba pang mga celebrities.

1. Vhong Navarro

Ayon pa sa GMA News Online, kung saan una naming naispatan ang listahang ito, Carnation raw ang birth flower ng lahat ng ipinanganak sa January.

Ito daw ay simbolo ng love, admiration, at favor o distinction.

Bukod pa kay It's Showtime host Vhong Navarro, ang ibang Kapamilya stars na ipinanganak sa January ay sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sharon Cuneta, Richard Gutierrez, Bamboo Mañalac, Alex Gonzaga, at Khalil Ramos.

At sa mga Kapuso stars naman ay sina Kylie Padilla, Ken Chan, Katrina Halili, Marvin Agustin, Jason Abalos, Oyo Boy Sotto, at Willie Revillame.

2. Anne Curtis

Lahat naman ng pinanganak sa February, ang birth month ay ang bulaklak na Iris.

Ani pa ulat, ang Iris daw ay nagsisimbolo ng pagiging tapat.

Bukod kay It's Showtime host Anne Curtis, ang mga artista rin na ipinanganak umano sa buwan ng Pebrero ay sina Kris Aquino, Lea Salonga, Heart Evangelista, James Yap, Cristine Reyes, Maricel Soriano, John Prats, Angel Aquino, Chito Miranda, Mikee Cojuangco, Lovi Poe, Megan Young, at Donna Cruz.

3. Vice Ganda

Ang pinanganak naman ng March katulad ni It's Showtime host Vice Ganda ay daffodil naman daw ang kanilang birth flower.

Ito daw ay nagsisimbolo ng mga new beginnings.

Ang ibang mga artista na pinanganak umano sa buwan ng Marso ay sina Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, Enrique Gil, Gerald Anderson, Aljur Abrenica, Gretchen Barretto, Aubrey Miles, Jaya, Bianca Gonzalez, Bianca King, Matteo Guidicelli, JC De Vera, Rocco Nacino, at Benjamin Alves.

4. Angel Locsin

Sa mga pinanganak naman sa buwan ng Abril, Daisy naman raw ang bulaklak ng kapanganakan nila.

Ang daisy ay nagsisimbolo umano ng kamusmusan at pagkadalisay.

Bukod pa sa The General's Daughter lead star na si Angel Locsin, ang ibang artista na pinanganak din daw sa April ay sina Vic Sotto, Kim Chiu, Regine Velasquez, Elmo Magalona, KC Concepcion, Richard Gomez, Luis Manzano, Melai Cantiveros, at Manilyn Reynes.

5. Yassi Pressman

Ang magandang leading lady naman ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano na si Yassi Pressman ay pinanganak umano sa buwan ng Mayo.

Lily of the valley naman raw ang birth month ng lahat ng pinanganak sa May, at nagsisimbolo daw ito ng pagbabalik ng kaligayahan.

Bukod pa kay Yassi, ang ibang artista na pinanganak din daw sa buwan ng Mayo ay sina Jake Zyrus, Eddie Garcia, Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Paulo Avelino, Sam Milby, Jennylyn Mercado, Ruffa Mae Quinto, Dennis Trillo, Nora Aunor, Julie Anne San Jose, Charlene Gonzalez, at Kris Bernal.

6. Jodi Sta. Maria

Rose naman ang mga pinanganak sa buwan ng June, at ito ay nagsisimbolo umano ng pag-ibig at pagpapahalaga.

Ang ibang celebs na pinanganak sa buwan ng Hunyo ay sina John Lloyd Cruz, Camille Prats, Andi Eigenmann, Ruffa Gutierrez, Carla Abellana, Kean Cipriano, Jean Garcia, Jewel Mische, Gladys Reyes, at Ina Raymundo.

7. Sarah Geronimo

Larkspur naman ang birth flower ng mga pinanganak ng July gaya ni Sarah Geronimo.

Ang naturang bulaklak ay nagsisimbolo umano ng kagaanan at pagka-happy-go-lucky.

Bukod kay Sarah G, ang ibang stars na pinanganak din daw sa buwan ng Hulyo ay sina Barbie Forteza, Claudine Barretto, Jane Oineza, Rayver Cruz, Susan Roces, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, at Raymart Santiago.

8. Iza Calzado

Gladiolus naman daw ang birth flower ng super gorgeous at blooming ang soon-to-be Mrs. Wintle na si Iza Calzado.

Ito raw ay nagsisimbolo ng lakas at integridad.

Bukod pa kay Iza, ang ibang artista na ipinanganak din umano sa buwan ng Agosto ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Carmina Villaroel, Nikki Gil, Aga Muhlach, Mariel Rodriguez, Gil Cuerva, Jhong Hilario, Sanya Lopez, at Pokwang.

9. Jericho Rosales

Forget-me-not naman ang birth month ng mga pinanganak sa buwan ng September, at nagsisimbolo daw ito ng mahabang pasensiya at malalim na pag-ibig.

Bukod pa kay Lino ng Halik na si Jericho Rosales, ang ibang celebrities na pinanganak din raw sa buwan ng Setyembre ay sina Kristine Hermosa, Arnel Pineda, Erich Gonzales, Aiza Seguerra, Denise Laurel, Janno Gibbs, Amy Perez, Neri Naig, JM De Guzman.

10. Maja Salvador

Ang World of Dance Philippines judge na si Maja Salvador ay may birth flower na marigold daw dahil ipinanganak siya sa buwan ng Oktubre.

Ito daw ay nagsisimbolo ng passion at creativity dahil sa matingkad raw nitong kulay.

Gaya ni Maja, sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Christian Bautista, Joey de Leon, Lito Lapid, Korina Sanchez, Chiz Escudero, Angelika dela Cruz, Janine Gutierrez, at Vina Morales ay ipinanganak rin sa buwan ng October.

11. Coco Martin

Ang mga isinilang sa buwan ng Nobyembre gaya ni Coco Martin ay may birth flower daw na chrysanthemum.

Ito raw ay nagsisimbolo sa pagkakaibigan at kaligayahan.

Bukod pa kay Coco, ang mga artista daw na pinanganak sa buwan ng November ay sina Apl.de.ap, Robin Padilla, Angeline Quinto, Angelica Panganiban, Gabby Concepcion, at Pauleen Luna.

12. Manny Pacquiao

Poinsettia naman ang birth flower ng mga isinilang sa Disyembre gaya ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao.

Ang bulaklak na ito ay nagsisimbolo umano ito sa tagumpay, at tumpak na tumpak naman talaga kay Pacquiao.

Bukod pa kay Manny Pacquiao, ang mga artista na pinanganak sa December ay kinabibilangan umano nina Derek Ramsay, Jake Cuenca, LJ Reyes, Sam Pinto, Jessy Menidola, Lucy Torres, Gloria Romero, Hero Angeles, Michael V., Jak Roberto, Mika dela Cruz, Teddy Corpuz, Aiko Melendez, at Ryza Cenon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Attitude? Billy Crawford, may kagalit umano sa Showtime kaya di sila imbitado ni Coleen sa 'family party'

Attitude? Billy Crawford, may kagalit umano sa Showtime kaya di sila imbitado ni Coleen sa 'family party'

Attitude? Billy Crawford, may kagalit umano sa Showtime kaya di sila imbitado ni Coleen sa 'family party'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel