Jessy Mendiola, kinumpirmang nabastos ni Enrique Gil sa eroplano noong 2015

Jessy Mendiola, kinumpirmang nabastos ni Enrique Gil sa eroplano noong 2015

- Binasag ni Jessy Mendiola ang kanyang pananahimik tungkol sa isyu na kung saan nasangkot si Enrique Gil

- Tatlong taon na ang nakalipas simula nang lumabas ang balita tungkol sa plane incident na kinasangkutan ng ABS-CBN stars na sina Jessy, Enrique, Luis Manzano, at Liza Soberano

- Sila ay papuntang London, England, para sa ASAP Live in London noong naganap ang diumano'y pambabastos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa plane incident na kinasangkutan ng ABS-CBN stars na sina Jessy Mendiola, Enrique Gil, Luis Manzano, at Liza Soberano noong taong 2015 ng Setyembre.

Sila ay papunta sa London, England, para sa ASAP Live in London. Nakainom diumano si Enrique at kinukulit si Jessy.

Dahil hindi daw siya pinansin ni Jessy ay lalong uminit ang ulo ng Kapamilya actor.

Dito na nga nakialam si Luis at diumano'y inawat si Enrique na naging mitsa ng kanilang confrontation.

Napag-alaman ng KAMI na naging boyfriend ni Jessy si Luis ilang buwan ang lumipas.

Naitanong ng PEP.ph kay Jessy kung personal daw na nakahingi ng dispensa si Enriwue.

“A, hindi.” sagot niya.

Nang tinanong naman kung napatawad na niya, “Nag-move on na ako. May mga bagay… ikaw din kasi ang mahihirapan, e, kapagka hindi mo ni-let go yung mga ganung bagay."

Ayon pa sa kanya, may mga mas malala pang bagay na napagdaanan niya at masaya naman na daw siya ngayon.

“Pero ako, I strongly advise na kapag andoon ka sa posisyon na yun, kapagka nangyari sa 'yo yung situation na yun [depresyon], huwag mo lang hahayaan.”

Isa din sa itinanong sa kanya ay kung talaga bang nabastos siya ng aktor noon.

“Yes." sagot ng aktre.

"Okay na yun."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman siya sigurado kung nakainon si Enrique nung mga oras na iyon.

“Hindi ko alam. Baka stressed lang siya,” pag-iiwas niya.

Si Jessy Mendiola ay kapamilya aktres at product endorser. Sumikat siya lalo dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa teleseryeng Maria Mercedes na Filipino adaptation ng Mexican teleseryeng pinagbidahan ni Thalia.

POPULAR: Read more about Jessy Mendiola here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
ABS-CBN & GMA celebs react to Carla Abellana’s grief over the death of her dog

ABS-CBN & GMA celebs react to Carla Abellana’s grief over the death of her dog

ABS-CBN & GMA celebs react to Carla Abellana’s grief over the death of her dog
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel