Ilang kalalakihan sa QC, Laguna at Tarlac, patay dahil umano sa lambanog

Ilang kalalakihan sa QC, Laguna at Tarlac, patay dahil umano sa lambanog

-Lambanog ang iniisip na dahilan ng mga kaanak ng mga kalalakihang nasawi pagkatapos daw inumin ito

-Apat ang patay sa Quezon City na pare-parehong uminom nito, sa Tarlac ilang magkaka-mag-anak din ang namatay pagkatapos uminom nito

-Samantalang ang mga pulis ay patuloy pa rin ang imbestigasyo kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Apat na lalaki ang patay pagkatapos na uminom daw ng lambanog sa Quezon City. Pare-pareho din daw ng sintomas ang mga ito.

Ayon sa magulang ng isa sa nasawi na si Alvin Reyes, malakas pa daw ito habang nakikipag-inuman sa labing-apat na iba pa nitong Sabado.

Ngunit nito lamang Linggo ay dumaing na daw ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at nawalan din daw ng paningin hanggang sa tumirik na ang mga mata.

Habang ang tatlo pa nilang kainuman ay namatay rin. Kapatid ng isa sa mga biktima, na kasama rin nilang uminom ng lambanog nasa ospital din. Inoobserbahan na rin ang iba pang kasama ng mga ito sa inuman.

Lumabas sa autopsy report, cardio pulmonary arrest ang ikinamatay ng mga biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ayon sa pulisya, hindi pa raw masasabi sa ngayon na ang ininom na lambanog ang salarin sa pagkamatay ng mga biktima.

Tinitignan rin nila ang anggulong foul play. Maaari rin daw na na-contaminate ang lambanog dahil sa dalawang araw na inuman ng mga ito ay tira lamang ang ininom ng mga biktima.

Patay rin ang tatlong kalalakihan sa Capas, Tarlac. Ayon sa kaank ng isa sa biktima, sumakit daw ang tiyan at dibdib nito.

Ganundin sa Lusiana, Laguna, tatlo rin ang namatay doon.

Lahat sila, ang lambanog na ininom rin ang itinuturing salarin sa pagkamatay ng mga ito.

Ayon sa ulat ng GMA News, mas mataas ang alcohol content ng lambanog kumpara sa beer. Depende sa ininom at sa taas ng alcohol content, maaring tumaas ang blood alcohol concentration. Habang pataas ito, pataas din ang nakaambang panganib.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos

Mga aso na angkas sa motor sa viral video, kinagiliwan, driver, binatikos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel