Anyare? Pagpayat ni JC Santos, ikinabahala ng kanyang fans

Anyare? Pagpayat ni JC Santos, ikinabahala ng kanyang fans

- Bilang mga aktor, marami sa mga hinahangaan nating artista ang kayang magsakripisyo kinakailangan sa gagawing pelikula

- Kaya naman hindi nagdalawang isip si JC Santos na mag effort upang magpapayat para sa kanyang international film

- 12 Kilo ang nabawas sa kanyang timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang masaya ang aktor na si JC Santos sa pagkakataong maging bahagi ng isang international film na nasa ilalim ng direksiyon ni Bradley Liew, isang award winning director.

Napag-alaman ng KAMI na ang horror film na ito ay inspired sa Filipino folklore ng kapre.

"I'm living the dream, kasi it's like a theater process for me," saad ng aktor.

Tila hindi pa rin makapinawal ang aktor sa mga bigating mga foreign actors na makakasama.

"It's amazing. And I'm with really great actors. Have you Googled their names, and read their IMDBs? So far it's an amazing feeling that I am working with a lot of great actors," dagdag pa nito.

Kabilang sina Will Jaymes, Talia Zucker, Jan Bijvoet, Nicholas Saputra, Bront Palarae, at Vithaya Pansringarm sa mga makakasama niya sa nasabing pelikula na kinabibilangan din ni Agot Isidro.

Ayon sa panayam niya sa PUSH, ikinuwento din ni JC na pinili siya mismo ng director.

Kapansin-pansin ang kanyang pagpayat na inamin niyang pinaghirapan niya upang umakma sa magiging karakter nito sa pelikula.

"Nakita niya (Director Bradley Liew) lang ako last year, sabi niya, 'I want you to be skinny, because I want you to look hungry.' So nagpapayat ako, so I lost 12 kilos just for this film.

Kinailangan niya umanong maging maingat sa pagkain.

"Nagstart ako nung August 2016 to ngayon. So I keep checking my food, inaabangan ko siya lagi kasi baka kumakain nako ng marami, tapos maraming maraming supplements."

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kanilang pag sho-shoot ng pelikula dito sa Pinas. Sa Slovenia naman ang sunod nilang location sa February.

Si JC Santos o John Carlo Abrugar Santos sa totoong buhay ay nagsimula bilang aktor sa teatro. Natanggap siyang singer at dancer sa Hong Kong Disneyland at sa Universal Studios Singapore.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel