Mula 9,000 ay 7 lang ang nakapasa sa traffic rules exam para sa mga motorista

Mula 9,000 ay 7 lang ang nakapasa sa traffic rules exam para sa mga motorista

- May panukalang nais isulong ang Senado ukol sa pagsasagawa ng training sa mga motorist

- Ayon sa isang grupo ng mga motorista at matagal na raw nilang gusto ipatupad ito

- Sa mga road safety exam na naisagawa raw nila sa mga motorisa ay 7 mula sa 9,000 lang ang nakapasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Suportado ng isang grupo ng mga motorista ang panukalang mandatory training safety program para sa mga rider ng motorsiklo. Nalaman ng KAMI na ang panukalang ito ay hinain ni Senador JV Ejercito dahil sa mga kaliwa’t-kanang aksidenteng kinasangkutan ng mga motorcycle rider.

Ayon sa Senate Bill 1822, isinusulong nito ang pagsasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ng pormal at kumpletong training bago makapagrehistro ang motorista.

Sa isang panayam sa DZMM Teleradyo, sabi ng direktor for administration ng Motorcycle Philippines Association na si Atoy Sta. Cruz ay matagal na raw nilang gusto mapatupad ang panukalang ito. Giit niya pa may mga naririnig siyang nagsasabi na ang “mga motorcycle rider ay pasaway”.

Sabi ni Sta. Cruz, sa bawat seminar daw na ibinibigay nila sa mga motorista ay nagsasagawa sila ng test ukol sa road markings, road signs at speed limit. Ayon sa resulta raw ay 7 sa 9,000 ng mga kumuha ng test ang nakapasa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Pito lang ang pumasa. Nasa akin ang record,” giit ni Sta. Cruz.

Ayon sa report ng ABS-CBN News ay 667 na mga batang may edad 14 pababa ang binawian ng buhay dahil sa road crash mula 2006 hanggang 2015 ayon sa data ng Philippine Statistics Authority.

Dating naibalita ng KAMI na binawian ng buhay ang isang taong gulang na baby matapos sumabit ang tela na nakabalot sa sanggol sa gulong ng motorsiklo. Bukod daw sa lola na may buhat sa baby ay may isa pang naka-angkas sa motor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel