Desperada na? Single mom naghire ng "fake tatay" para sa anak

Desperada na? Single mom naghire ng "fake tatay" para sa anak

-Wala nang ibang paraan na naisip ang single mom na si Asako para bumalik sa normal ang kanyang anak

-Lumaki kasi ito na walang ama dahil na rin sa kanilang paghihiwalay nilang mag-asawa pagkapanganak pa lang dito

-Ngunit nang magkaisip na ito ay madalas na itong magtanong kung kaya naman naisipan niyang gawin ang bagay na sa telebisyon lang natin napapanood

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkapanganak pa lamang sa kanilang anak na babae, nagdesisyon ng maghiwalay si Asako at ang asawa nito.

Naiwan sa kanyang poder ang anak na si Megumi habang ang ama nito ay tuluyan nang naglaho sa kanilang buhay.

Madalas na rin daw magtanong ang bata ngunit mas tumindi pa ang epekto nito noong ito'y mag-sampung taong gulang na.

Nabu-bully na ito sa eskwelahan at wala na rin itong makasama dahil dito. Sa Japan, ang mga batang walang ama o ina ay normal lamang daw na makaranas ng pangbu-bully.

Maging ang mga guro nito na hiningan niya ng tulong ay wala ring nagawa.

Sinisi na rin daw ni Megumi ang sarili kung bakit ito walang ama. Hanggang sa umayaw na itong pumasok pa sa eskwelahan at hindi na ito makausap.

Dahil sa matinding kalungkutang nararamdaman para sa anak ay nakaisip ng paraan si Asako na madalas ay sa telebisyon lang nangyayari.

Dahil desperada nang mapasaya ang anak ay naisipan nitong mag-hire ng pekeng ama na magpapanggap bilang dating asawa.

Sa Japan ay may mga agency na pwedeng mag-hire ng tao para magpanggap para sa ibang tao at sitwasyon.

Sa limang pinagpilian ay nakapili si Asako.

Napagkasunduan nilang sabihin kay Megumi na mayroon na itong sariling pamilya ngunit gusto nitong makasama ang mag-ina dahil sa pangungulila.

Noong una ay 'di ito matanggap ni Megumi ngunit kalaunan ay natanggap na ri ang sitwasyon. Bumalik na ulit ito sa normal at naging masayahin na.

Maging ang "fake tatay" ay napansin rin ang pagbabago ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

'Di nagtagal ay tila nasanay na ang mag-ina sa presensiya nito at maging lalaki ay ganoon rin sa kanila.

Dumating pa sa puntong ninais na daw ni Asako na totohanin ang kanilang relasyon bilang isang pamilya.

Ngunit maayos itong tinanggihan ng lalaki. Ipinaalala nito na kaya sila nasa ganoong sitwasyon ay dahil na rin sa trabaho. Tinaggap naman ito ni Asako.

Ganunpaman, kahit na mahal ang presyo ng serbisyo nito ay patuloy pa rin ang kanilang pagpapanggap.

Maaaring ang desisyong ito ni Asako ay dala lamang ng kanyang pagmamahal para sa anak. Ngunit ang istoryang ito ay may kaakibat na konsekwensiya rin.

Nais din naming linawin na hindi sinusuportahan ng KAMI ang pangloloko sa kapwa kahit pa ito ay para sa kapakanan ng iba.

Source: The Asianparent, BBC

Hanap ay kalinga ng ama! Single mom naghire ng "fake tatay" para sa anak

Photo source: Getty images / photo for illustration only
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel