Lalaki, nangaliwa! Nagbanta na magbigti kasama ang anak pag humiwalay si Mrs

Lalaki, nangaliwa! Nagbanta na magbigti kasama ang anak pag humiwalay si Mrs

-Sa programa ji Raffy Tulfo inihayag ni Mary Grace, isang OFW ang kanyang hinaing kaugnay sa kanyang dating kinakasama at sa anak

-Gusto nitong mapunta sa kanya ang anak na matagal nang hindi ipinapakausap sa kanya ng ama nito

-Ngunit ang mas nakapangingilabot ay ang pagbabanta ng lalaki sa kanya na magbibigti ito kasama ang anak kapag nakipaghiwalay siya dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Grace kaugnay ng kanyang reklamo laban sa dating kinakasama.

Kwento nito, nag-ugat ang kanilang alitan ng dating kinakasama na si Manuel nang mambabae ito. Nagawa pa umano nitong iuwi sa kanilang bahay ang babae.

At nang malaman niya ang nangyari ay huli na ang lahat dahil bunits na ito.

Kaya naman ninais na daw niyang makipaghiwalay dito. Ngunit hindi pumayag si Manuel at nagbanta pa itong magbibigti kasama ang anak nila kapag nakipaghiwalay siya dito.

Ang mas nakapangingilabot pa ay nang magpadala ito ng litrato na may nakatali sa leeg nito at maging sa bata!

Ayon pa kay Mary Grace, sinabi rin nitong hindi ito pagbabanta at magagawa nitong totohanin iyon kapag nakipaghiwalay siya dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tulong ng programa at ng PNP nagawa nilang puntahan ang tinitirahan ni Manuel at nakuha ang bata.

Pero isa pa palang masakit na katotohanan ang matutuklasan ni Mary Grace. Sa kwento ng kanyang anak ay pinapalo pa pala ito ng bagong kinakasama ng kanyang ama.

Kaya naman gigil na gigil at 'di na talaga napigil nito ang galit at nasaktan na si Manuel.

Maging ang mga damit, gamit at ang mga ipinabagahe niya ay hindi na rin niya nabawi ng araw na iyon.

Ngunit laking-pasalamat pa rin niya na nabawi na niya ang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel