Isang ina, nanganak sa pamamagitan ng womb transplant mula sa patay na donor

Isang ina, nanganak sa pamamagitan ng womb transplant mula sa patay na donor

- Naging matagumpay ang panganganak ng isang ina matapos nitong sumailalim sa womb transplant mula sa patay na donor

- Ito na raw ang pinaka-unang matagumpay na ganitong kaso sa buong mundo

- Ipinanganak daw na may isang rare syndrome ang ina kaya wala itong uterus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanganak ang isang ina sa Brazil matapos nitong sumailalim sa womb transplant mula sa isang patay na donor. Nalaman ng KAMI na ito ang unang matagumpay na panganganak sa ganitong kaso.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, 10 na ang naging kaso ng womb transplant mula sa mga patay na donor sa iba’t-ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Czech Republic, at Turkey. Ngunit, ito ang unang naging matagumpay at nagresulta sa isang malusog na baby.

Isang ina, nanganak sa pamamagitan ng womb transplant mula sa patay na donor

Photo from ABS-CBN News
Source: Facebook

Nagsimula raw ang research na ito sa pamumuno ni Dr. Dani Ejzenberg sa Sao Paulo University sa Brazil noong September 2016.

“The numbers of people willing and committed to donate organs upon their own deaths are far larger than those of live donors, offering a much wider potential donor population," giit ni Ejzenberg.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

34 years old na raw ang ina at sumailalim siya ng caesarean section (C-section) noong nanganak siya sa kanyang 35 weeks at 3 day-old na baby girl na may timbang na halos 6lbs.

Base sa report ng BBC News, ang recipient daw ay nagkaroon ng Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser syndrome, kaya ipinanganak siyang walang uterus noon.

Samantala, ang donor naman daw ay 45 years old na namatay dahil sa diumano’y bleeding sa utak.

Noong 2013 din ang pinaka-unang matagumpay na womb transplant mula sa buhay na donor. Ayon din daw sa mga scientists ay 39 na ang sumailalim sa ganitong proseso at 11 naman ang naging matagumpay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel