Jessy Mendiola, sobrang naapektuhan sa mga bashers na muntik na raw mag-quit

Jessy Mendiola, sobrang naapektuhan sa mga bashers na muntik na raw mag-quit

- Laman sa balita ngayon ang pag-iyak umano ni Jessy Mendiola sa presscon ng kanyang Metro Manil Film Festival entry The Girl in the Orange Dress

- Pumatak daw ang luha ng Kapamilya aktres dahil sa hindi maipaliwanag na tuwa nang mapili siya bilang ang bida sa naturang MMFF entry

- Dito rin sa naturang presscon ay naibahagi ng aktres ay kanyang muntikang pamamaalam sa showbiz dahil naapektuhan umano siya ng sobra sa mga bashers

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ani pa sa balita na naispatan ng KAMI, ang pag-iyak umano ni Jessy Mendiola ay naging highlight daw sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry The Girl in the Orange Dress.

Kasama ni Jessy dito ang Halik aktor na si Jericho Rosales, at sa naturang presscon ay pumatak umano ang luha ng Kapamilya aktres dahil sa tuwa na nararamdaman sa pagkapili sa kanya bilang bida ng naturang pelikula, ayon pa sa balita na una naming naispatan sa PEP.

Ito raw ang unang pelikula na kalahok niya, at dito rin naibahagi ni Jessy na isang blessing in disguise umano ang proyekto dahil ito daw ang nakapagpabago sa kanyang desisyon na umalis na sa showbiz.

Paglalahad pa ni Jessy:

"Itinatanong ko po sa kanya [Luis] lahat. Isine-share ko sa kanya ang lahat ng saloobin ko about showbiz. Siyempre, sa panahon ngayon ng social media, malala na ang negativity at bashers. Hindi ko puwedeng i-deny na hindi ako naaapektuhan."

Sobrang supportive naman daw ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano sa kanyang desisyon.

Pagbahagi pa niya:

"Nung malaman niya na gusto ko nang mag-give up, sabi niya, ‘Sige, okey lang. Bumalik ka sa kung anong gusto mo na gawin. Tutulungan kita, susuportahan kita."

Patuloy pa na paglalahad ni Jessy:

"Pakiramdam ko po, hindi talaga para sa akin, sa lahat ng negativity na nangyari for the past two years, parang pakiramdam ko, baka hindi ito right for me kaya nag-isip na rin ako na umalis o mag-give up."

Emosyunal na isiniwalat ni Jessy Mendiola na right timing nga daw ang pagdating ng pelikula dahil ika pa niya:

"Siguro, a few weeks after na nag-decide ako, biglang dumating yung script nito."

At kung natuloy naman daw ang kanyang pamamaalam sa showbiz ay plano daw niyang bumalik sa pag-aaral.

Una naming ibinahagi ang tangkang pagpapakamatay ni Jessy Mendiola dahil sa depresyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel