Airline staff, kinutya ang 5-year-old 'Abcde' dahil sa pangalan niya, pinost pa sa socmed

Airline staff, kinutya ang 5-year-old 'Abcde' dahil sa pangalan niya, pinost pa sa socmed

- Nagalit ang isang ina sa staff ng airline dahil sa pangungutya nito sa pangalan ng kanyang anak

- Di lamang niya pinagtawanan ang bata habang nagbo-board sa eroplano pero pinost pa boarding pass ng bata sa socmed

- Kahit na nagreklamo, di raw inaksyunan kaagad ng airline company ang kanyang reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nanay ang nanggagalaiti sa galit pagkatapos nagpakita ng diumano'y unprofessional behavior ang isang airline staff.

Nalaman ng KAMI na ang mag-ina ay nasa boarding area, nag-aantay ng turn nila na mag-board.

Ayon sa kuwento ng ina na si Traci Redford, ang isa sa mga gate staff ng airline ay nagsimulang mag-giggle at pagtsismisan ang pangalan ng anak ni Traci na si "Abcde Redford."

Dinig niya ang kanilang pag-uusap kung kaya naman sinabihan niya silang naririnig sila ng anak kaya itigil na nila ang ginagawa.

Di alam ni Traci na kinunan ng picture ng nasabing gate staff at pinost sa socmed ang boarding pass ng anak.

Ayon sa report ng TheAsianParent, nalaman na lang niya ang ginawa ng staff nang may mag-report sa kanya nito.

Airline staff, kinutya ang 5-year-old 'Abcde' dahil sa pangalan niya, pinost pa sa socmed

Airline staff, kinutya ang 5-year-old 'Abcde' dahil sa pangalan niya, pinost pa sa socmed (Photo: SCMP)
Source: Facebook

Nagreklamo agad siya sa Southwest Airlines, pero dalawang linggo ang nakaraan at wala pa rin aksyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kalaunan, humingi rin ng dispensa ang nasabing airline. Hindi raw iyon ang nais nilang ugali ng pakikitungo ng staff nila sa mga pasahero.

Nawa'y magsilbi na rin itong ganap kay Traci na bago pangalanan ang anak, isipin na rin ang magiging epekto nito sa kanya pagtanda niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel