Kapuso stars, dumagsa sa 21st birthday ni Encantadia's Ybarro Ruru Madrid

Kapuso stars, dumagsa sa 21st birthday ni Encantadia's Ybarro Ruru Madrid

- December 4, ipinagdiwang ni Encantadia's Ybarro/Rehav Ybrahim/Rama Ybrahim Ruru Madrid ang kanyang 21st birthday

- Kaugnday dito, dumagsa ang kanyang mga kaibigan na mga Kapuso stars para batiin siya at ipagdiwang ang kanyang kaarawan

- Sina Alden Richards, Andrea Torres, Gabby Eigenman, at iba pang mga kasamahan ni Ruru Madrid ang dumalo sa kanyang birthday

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng aming team sa KAMI ang mga kuhang mga larawan sa big event sa 21st birthday celebration ni Kapuso leading man Ruru Madrid.

Minarkahan nga ni Ruru Madrid ang isa pang milestone sa kanyang buhay at ito ay ang kanyang kaarawan.

Ayon pa sa GMA News Online, kung saan una namin nalaman ang balitang ito, sumikat si Ruru pagkatapos sumali sa isang talent search sa Kapuso, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break, noong 2012.

Saad pa sa naturang balita, nagmula daw si Ruru Madrid sa Zamboanga city sa kanyang mga magulang na sina Bong at Jackie Madrid na kapwa raw miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

May dalawang kapatid umano si Ruru at ito ay sina Rara at Rere, na isang aspiring model, ayon rin sa mga naunang balita.

Isa sa mga dumalo na mga Kapuso stars ay si Alden Richards na co-star ni Ruru Madrid sa high-rating Sunday musical variety show na Sunday PinaSaya.

Spotted rin ang Bubble Gang babe na si Andrea Torres sa naturang selebrasyon, na isa raw sa matatalik na kaibigan ni Ruru sa shwobiz.

Present din sa naturang event ang Kapuso verstaile actor na si Gabby Eigenmann at iba pa nyang kasamahan sa Sunday PinaSaya.

Ginamit din ni Ruru ang kanyang Instagram account para ipahayag ang kanyang pasasalamat sa naturang event.

Ani pa sa caption ni ruru Madrid:

"Ako po ay sobrang nagpapasalamat sa lahat ng mga taong bumati at nagmamahal sa akin! Sa pamilya at mga kaibigan ko na patuloy ang suporta at pagmamahal sa akin!”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas

Lalaking na-trap ng 2 araw sa lagusan ng grasa ng isang restaurant, nailigtas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel