Kelsey Merritt, kapitbahay na umano nina Taylor Swift at Harry Styles

Kelsey Merritt, kapitbahay na umano nina Taylor Swift at Harry Styles

- November 8, nang naganap ang Victoria's Secret Fashion Show pero pinalabas lang sa TV noong December 1, at isa sa pinakamasaya dito ay si Kelsey Merritt

- Kaugnay dito, nakatutok ang lahat sa kani-kanilang telebisyon lalong-lalo na ang mga Pinoy dahil sa kauna-unahang Pinay na rumampa sa kinaabangang VS runway

- At kamakailan lang, may masayang balita ang Pinay VS angel sa kanyang followers tungkol sa kanyang paglipat sa bago niyang bahay, kung saan kapitbahay niya na umano si Taylor Swift

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang bagong post ng Pinay Victoria's Secret model na si Kelsey Merritt at ito ay ang larawan ng bago niyang apartment sa Tribeca.

Ani pa ni Kelsey sa kanyang caption:

"From Chelsea to Tribeca. So excited I'm moving in my new apartment today!!!"

Ayon pa sa cosmo.ph, kung saan una naming nalaman ang balitang ito, ang Tribeca ay kapitbahayan ng nakakamanghang mga old industrial buildings na ngayon ay ikinonvert na sa mga cool apartments.

At saad pa sa Time, ang mga malalaking bituin sa Hollywood na sina Jake Gyllenhaal, Justin Timberlake, Jennifer Lawrence, Harry Styles, at Taylor Swift ay may mga properties dito.

Sa katunayan, si Taylor Swift daw ay may-ari ng tatlong apartments sa naturang lugar.

Kaya naman daw, sa paglipat ni Kelsey Merritt sa naturang lugar ay magiging kapitbahay na niya ang mga malalaki at sikat na mga Hollywood stars na ito.

Dahit dito, dumagsa ang mga mas excited pa na mga fans ng Pinay VS model.

"Omg, Taylor Swift is your new neighbor!"
"Taylor Swift lives there!"
"Taylor Swift lives there too!"
"I'm a bit jealous cause you are able to see Taylor Swift"
"I'm glad that you got this dream"
"Have you met Gigi Hadid yet?"
"Say hi to Taylor for me pleaseeee"

Sa Instagram video stories naman daw ni Kelsey Merritt, makikita na busy ang Pinay model sa pag-aayos ng kanyang kagamitan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel