Jessy Mendiola, umamin na nagtangkang putulin ang buhay dahil sa depresyon

Jessy Mendiola, umamin na nagtangkang putulin ang buhay dahil sa depresyon

- Sa isang panayam ng entertainment press sa Kapamilya aktres na si Jessy Mendiola ay naitanong dito tungkol sa dinaanang depresyon

- Kaugnay rito ay tinangka umano ng aktres na putulin ang sariling buhay dahil sa madaming nangyayari daw sa kanyang buhay noon

- Two years daw na lumaban si Jessy sa depresyon at kumuha daw siya ng doktor para matulungan siya sa kanyang pinagdadaanan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na nakuha ng KAMI, umamin ang lead actress ng The Girl in the Orange Dress na si Jessy Mendiola sa pinagdaanang depresyon at ang kanyang tangkang pagpakamatay dahil dito.

Napanayam ng Philipine Entertainment Portal press si Jessy sa grand presscon ng naturang pelikula na movie entry sa Metro Manila Film Festival noong Martes, December 4.

Sa nasabing presscon, napaamin si Jessy Mendiola na dalalawang taon siyang dumanas ng depresyon dahil daw sa nagpatung-patong na isyu at intriga na hinaharap niya noon.

Pag-amin pa ni Jessy:

“Two years, hindi buwan, seryoso. I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that.Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko din magkaroon ako ng vlog [video blog] about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke."

Dugtong pa ng aktres:

“And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebrities."

At ani pa sa balita, sariwa pa umano sa isipan ni Jessy ang mga panahong iyon sa pagtangka ng kanyang sariling buhay.

Saad pa ni Jessy:

“Oh, yes, nag-cut ako hanggang dito."

Sabay ng pagmuwestra niya mula sa kanyang pulso hanggans sa may bandang braso niya.

Pagpapatuloy pa na pagkwento ni Jessy Mendiola:

“Wala na siya [bakas]. Hanggang dun lang naman. Pero alam mo yung feeling mo na hanggang birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, sa kuwarto ka lang.”

Pagtatapos pa na pagbahagi ni Jessy Mendiola:

“'Tapos, within those two years, I had to work on myself to heal. And now, I’m really proud to say na I’m really okay. I’m healed.”

Ibinahagi rin ni Jessy Mendiola ang kanyang pinagdaanan noong 2015, kung saan inilahad niya ang bashing na natanggap niya noon, ang plane harrassment diumano with Enrique Gil, at ang nangyari sa kanya with her ex boyfriend.

POPULAR: Read more news about Jessy Mendiola here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel