Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

-Ilang taon ng OFW si Melinda ngunit dahil sa mga hamon ng buhay na kanyang dinaanan ay wala man lang daw siyang naipon

-Bukod rito, nasira rin ang kanyang pamilya at sa kagustuhang makahanap ng tunay na ligaya ay ilang beses siyang nasawi

-Ngunit kahit na panay ang pasakit sa kanya ng buhay ay patuloy pa rin ang laban para kay Melinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bata pa ang kanyang tatlong anak nang magdesisyon si Melinda na mangibang bansa. Ito'y upang mabigyan ng magandang bukas ang kanyang pamilya.

Ngunit makalipas lamang ang pitong buwan ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon niya sa dating kinakasama.

Bumalik daw ito sa bisyo at madalas na magpunta sa mga beerhouse. Iba't-ibang babae na rin daw ang iniuuwi nito sa kanilang bahay sa harap mismo ng kanilang mga anak.

Ngunit sa kabila nito ay mahal niya pa rin daw ito. Ngunit dahil sa sitwasyon ay kinailangan na rin daw niyang mag-move on.

Nang makakilala naman siya ng dayuhan ay agad niya itong nagustuhan dahil na rin daw sa kabaitan nito.

Naging sila na at tanggap nito ang kanyang mga anak. Nagpapadala na rin daw ito sa kanyang pamilya.

Pagkatapos ng tatlong taong kontrata ay umuwi na siya sa Pinas. Hinatid pa raw siya ng nobyo sa airport.

Ngunit pag-uwi sa Pinas ay nagkausap sila ng ama ng kanyang mga anak at pinagkasundo sila ng mga kapatid nito.

Noong una ay pumayag naman siya dahil na rin sa pagmamahal dito at para na rin mabuo ang kanilang pamilya kahit pa nga alam niyang may kasabay pa siyang ibang babae.

Ngunit napuno na rin ang salop lalo pa at inaaway na rin siya ng babae nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napagpasyahan niyang mag-apply muli bilang DH. Doon ay nakilala naman niya ang isang dayuhang sundalo na 'di rin nagtagal ay naging kasama na rin niya sa buhay.

Ngunit nang tumagal ang kanilang relasyon ay nakilala niya ang ugali nito. Seloso at nananakit. Hindi na rin siya makagalaw dahil bantay nito ang kanyang bawat galaw.

Isang beses na sinaktan siya nito at pinalo ng kahoy sa balakang. Agad siyang umalis sa poder nito at nagtago sa mga kaibigan, pero kasabay nito ay natuklasan niyang buntis siya.

Dahil sa kondisyon ay napilitan siyang bumalik dito, mabuti na lamang ay pinayagan siya nitong umuwi sa Pinas dahil sa hirap sa paglilihi.

Sinuportahan sila nito maging ang kanyang pamilya ngunit dahil sa hiling ng mga anak niya ay hindi na siya nakipagbalikan pa dito.

Dala ng hirap ng buhay, iba't-ibang klase ng trabaho na ang kanyang pinasok mabuhay lamang ang kanyang mga anak.

Hanggang sa pinalad na siyang makabalik bilang OFW. Hanggang sa makilala niya ang kanyang nobyo ngayon.

Mas bata ito sa kanya ngunit matured itong mag-isip at nagpapaka-ama sa kanyang mga anak.

Ngunit noong nasa malayo siya ay nagkaroon ng gulo sa pagitan ng kanyang pamilya at ilang kadugo.

Nagawa pa umanong sugurin at sirain ang kanilang bahay. Pinalayas din ang kanyang ina at mga anak doon. Sobrang hirap para sa kanya na nasa malayo siya at walang magawa.

Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

Photo source: Facebook Melinda
Source: Facebook

Nagkasakit din ang kanyang ina at na-trauma sa pangyayari. Nanhina ito at hindi na nakausap noon.

Mabuti na lamang at nagmagandang loob ang kanyang nobyo na bantayan at puntahan ang kanyang pamilya upang kahit paano ay may magtanggol sa mga ito.

Sa gayon ay napanatag ang kanyang loob hanggang sa kasalukuyan.

Sa kabila ng mga hirap na napagdaanan ay patuloy siyang lumalaban para sa mga anak at mahal sa buhay.

Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

Photo source: Facebook Melinda
Source: Facebook

Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

Photo source: Facebook Melinda
Source: Facebook

Pinay OFW, niloko ni Mister, napagmalupitan pa ng kadugo ang 4 na anak at ina

Photo source: Facebook Melinda
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel