Para kay Gadon, “bobo” raw ang mga senador na sina Trillanes, Hontiveros at Pangilinan

Para kay Gadon, “bobo” raw ang mga senador na sina Trillanes, Hontiveros at Pangilinan

- Sabi ni Atty. Larry Gadon, may mga “bobo” raw sa Senado ngayon

- Ilan na nga rito sina Sen. Antonio Trillanes, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Francis Pangilinan

- Giit din niya na ang ibig sabihin ng “bobo” ay hindi pagkamulat sa katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala ang Senate bet na si Atty. Larry Gadon dahil sa kanyang viral video kung saan sumisigaw siyang “bobo” sa mga supporters ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Nalaman naman ng KAMI na sa isang panayam ni Gadon sa DZMM na tila may mga “bobo” rin daw sa Senado ngayon.

Diretsahang sinabi ni Gadon na para sa kanya ay “bobo” sina Senador Antonio Trillanes, Senador Risa Hontiveros at Senador Francis “Kiko” Pangilinan dahil pinanigan nila si Sereno noon.

“Para sa’kin bobo si Trillanes. Si Risa Hontiveros, bobo 'yan. Si Mr. Sharon Pangilinan, si Mr. Sharon Cuneta bobo yan," giit ni Gadon.

Paliwanag ni Gadon, ang ibig sabihin daw ng “bobo” ay ang hindi pagkamulat sa katotohanan.

“Ang ibig sabihin lang naman ng bobo hindi ka mulat sa katotohanan. Hindi mo tinatanggap kung ano yung totoo at ano yung tama. Iba naman yung sa sinasabi na tanga or ignorant," sabi ni Gadon ayon sa report ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin si Gadon kung malaking bagay ba sa isang nais maging senador ang hindi pagiging “bobo”, sabi niya ay oo raw.

“Oo, sapagkat ‘yung hindi bobo, ano ‘yun e, it’s a complete messaging kasi ang mga tao ay pagod na at sawa na sa mga katiwalian na nangyari nitong mga nakaraang taon,” sabi ni Gadon.

“Sila ay namulat na sa katotohanan na sila ay matagal nang niloloko ng mga traditional politicians.

“So ngayon, natututo na sila, ngayon hindi na sila bobo [mga botante],” dagdag pa ni Gadon.

Dati namang naiulat ng KAMI na usap-usapan ang maling certificate of candidacy na ipinasa ni Gadon noong nag-file siya sa Comelec. Handang handa na rin si Gadon sa kanyang pagtakbo bilang senador sa Halalan 2019.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel