Engagement ring na nahulog sa kanal, natagpuan pa ng pulis

Engagement ring na nahulog sa kanal, natagpuan pa ng pulis

-Hindi sinasadyang naihulog ng isang dalaga ang kanyang engagement ring sa kanal sa isang pampublikong lugar

-Anito, kahit na sinabi na niyang maluwag ang singsing ay ipinilit pa itong ipasuot sa kanya kaya naman 'di sinasadyang naihulog niya ito

-Noong una ay sumuko na ang magkasintahan ngunit laking-pasalamat nila na nakuha ito at naibalik sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi sinasadya ni Daniella Anthony na maihulog ang engagement ring na bigay sa kanya ng nobyong si John Drennan.

Ani mga ito sa BBC News, sampung taon na silang magkasintahan kung kaya naman napagdesisyunan na ring mag-propose ni John kay Daniella.

Ngunit dahil daw maluwag ang singsing ay 'di sinasadyang naihulog niya ito sa isang kanal sa Times Square sa New York.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"I tried to tell John it was too big, but he insisted I wear it," ani Daniella.

Agad namang tumawag ng tulong ang dalawa ang may mga pulis na tumulong sa mga ito. Binuksan pa ang grate at ilang oras ding hinanap ang singsing.

Hanggang sa magpasya na ang dalawa na bumili ng bagong singsing.

Pero ilang araw lamang nahanap ng New York Police Department at agad na ipinanawagan sa twitter para mahanap ang magkasintahan.

Ayon sa ulat ay naibalik na ang singsing sa magkasintahan sa pakikipagugnayan na rin ng NY Police.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel