Ely Buendia, nagsalita na sa diumano’y reunion ng ng Eraserheads sa UAAP Finals

Ely Buendia, nagsalita na sa diumano’y reunion ng ng Eraserheads sa UAAP Finals

- Usap-usapan sa social media ang posibleng reunion ng Eraserheads

- Umasa ang mga fans na magrereunion ang OPM bands sa Game 2 ng UAAP Finals

- Subalit, iba naman ang mensahe ni Ely Buendia ukol sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumalat sa social media ang diumano’y reunion ng sikat na OPM band na Eraserheads matapos magpost sa Twitter si Raymund Marasigan, ang drummer ng dating banda. Subalit, nalaman ng KAMI na may iba namang sinabi ang lead vocalist ng banda na si Ely Buendia ukol sa issue.

Sa isang tweet, sabi ni Buendia, hindi raw siya ‘yung blond sa video na pinost ni Marasigan.

Dagdag pa ni Buendia, para raw si Vice Ganda ‘yung blond sa video at tila pinaasa raw ang mga fans sa video na ito.

Sa video na pinost ni Marasigan sa Twitter, makikita ang dating band members na si Marcus Adoro, Buddy Zabala at isang blonde na nagigitara. Tinutugtog nila ang kanilang hit song na Minsan.

Nakalagay pa sa tweet ni Marasigan, “praktis before game 2.” Agad namang inakala ng mga fans ang posibleng reunion ng Eraserheads sa UAAP Finals.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatakda ang UAAP Finals Game 2 ng University of the Philippines at Ateneo de Manila University sa Miyerkules.

Sikat na sikat ang Eraserheads noong 90’s. Subalit, nagkawatak-watak din ang banda noong 2002 nang umalis sa banda si Buendia. Ilan sa mga hit songs ng Eraserheads ang “Ang Huling El Bimbo”, “Magasin”, “Toyang” at “Minsan”.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal

Effort 'to! Pulis, ginulat ang kanyang GF sa "madugong" proposal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel