Toma pa more! 92,90 at 87 anyos na mga lola, inuman ng beer ang bonding

Toma pa more! 92,90 at 87 anyos na mga lola, inuman ng beer ang bonding

- Viral ang post tungkol sa tatlong lola na pag-inom pa rin ng beer ang kanilang bonding moment

- Malaking bagay daw sa kanilang buhay ang pag-inom ng alak

- Ayon sa viral post, ito ang kanilang sikreto sa mahabang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taliwas sa sikat na kanta ng the Teeth na Laklak, na may linyang "Kabilin-bilinan ng lola wag kang uminom ng serbesa, ito'y hindi inuming pambata, magsoftdrinks ka nalang muna," tila ang mga lola na ito pa ang tumotoma.

Kilalanin ang magkakapatid sa viral post ni Froilan Pundavela na sina Lola Huling, Lola Edang at Lola Doring. Sila lang naman ang magkakapatid na may hawak na mga bote ng alak sa post.

Sinasabing tila ng naging sikreto ng mahabang buhay nila rito sa mundo ay ang pag-inom ng alak.

90 taong gulang na si lola Godofreda Edang Busante bagaman at naka-wheelchair na, tatagay pa rin ng may ngiti.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

92 taong gulang naman si lola Julia "Huling" Pundavela. Inalala ang unang beses na sila ay uminom ng alak kasama ang kanilang mga pinsan. Tinangka niyang lasingin ang mga ito pero siya pa rin ang unang tumumba.

Ngunit mula raw noon ay di na muli siyang nagpakalasing ng ganoon at paunti-unti na lang. Katunayan, noong siya ay nag-asawa na, naging tagasalo na niya ng tagay ang kanyang mister.

Tuba ang paboritong inumin ni lola Edang. Ang naging asawa niya ang nagturo sa kanya na uminom. Mahilig daw talaga ito sa alak. Sa kasamaang palad, dahil din sa alak, nagkasakit ito sa atay.

Ngunit, tila hinahanap pa rin ng sistema ng kanyang katawan ang pag-inom nito. Kaya naman kapag kumakain, humihingi pa rin daw ito ng kahit 1/4 na baso ng tuba o kung wala naman ay beer.

87 anyos naman si lola Teodora During Odtuhan, ginagawang pampagana ang beer. Mula nang pumanaw ang kanyang mister noong 2013, doon lamang daw siya nakainom muli.

Si lola During pa nga ang nagbigay ng caption sa kanilang viral photo na " Sa langit walang beer!" kaya naman tila sinusulit na nila ito hangga't kaya pa nila.

Kuha raw ang larawan sa 90th birthday celebration ni lola Edang kung saan masaya muli silang nagkainumang magkakapatid.

Paalala pa rin nila na huwag namang magpaka-lango sa alak. Di rin naman daw sila mga lasenggera. May tamang limitasyon pa rin ang pag-inom nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica