MRT line man, inilabas ng ahensya sa ospital kahit nangingisay pa

MRT line man, inilabas ng ahensya sa ospital kahit nangingisay pa

-Isang lineman ng MRT -3 ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong kaugnay sa kanyang pagkakakuryente

-Kwento nito, nangingisay pa siya ng dalin sa ospital ngunit dahil sa takot ng ahensya nang mabalitaang may darating na media, agad siyang pinauwi

-Bukod rito, ilang benepisyo rin ang hindi umano naibibigay sa kanya bilang empleyado kabilang ang SSS

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog ang ang MRT-3 lineman na si Glenmar Ponciano sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong kaugnay sa kanyang pagkakakuryente.

Kwento nito, iunutusan umano siya ng isang engineer na akyatin ang isang poste sa MRT-3 North EDSA station ngunit wala daw siyang suot na kahit na anong safety equipment maliban sa safety belt.

Hindi rin daw sinabi ng engineer na live wire pala ito. Agad naman daw siyang dinala sa ospital.

Ngunit nang malaman daw ng ahensya na may darating na media kay Ponciano ay agad din daw siyang pinauwi mula sa ospital kahit siya ay nangingisay pa!

Kinundena ni Tulfo ang AsiaPhil dahil sa pangyayari. Ayon dito, bakit na kailangang itago ang pangyayari sa media.

Ayon HR officer na nakausap ng host ng programa na si Aileen Bautista, hindi daw niya alam ang pangyayaring ito sa kanilang empleyado.

Nangako naman ito na kung ano ang nais ni Ponciano ay matutugunan ng kanilang kompanya.

Ngunit pa pala doon natapos ang reklamo ni Ponciano dahil maging ang kanyang SSS ay hindi rin nahuhulugan ng maayos ng kompanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anito, sa loob ng walong taong pagta-trabaho niya sa kompanya ay apat na buwan lamang ang hinulog nito sa SSS.

Maging ang hazardous pay na nararapat ibigay dahil sa buwis buhay na trabaho at 13th month pay ay hindi rin umano nabibigay sa kanya.

Ang masaklap pa, ang 512 pesos na minimum wage ay hindi rin naibibigay ng kompanya dahil 400 pesos lamang ang sahod nito kada araw.

Siniguro naman ni Bautista na maidudulog niya agad ito sa kanilang kompanya upang agad na matugunan ang mga reklamo ni Ponciano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel