Isang estudyante ng Ateneo, namataang puro saksak at nakahandusay sa kalsada

Isang estudyante ng Ateneo, namataang puro saksak at nakahandusay sa kalsada

- Natagpuang patay ang isang masteral student ng Ateneo at kawani ng DepEd sa Marikina

- Hinihinalang holdap ang motibo sa trahedyang nangyari

- Maging ang mga taga-DepEd ay nagnanais na mabigyang hustisya ang pagpanaw ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hustisya ang nais ng pamilya ni Francis “Kiko” de Leon, isang masteral student sa Ateneo de Manila University at kawani ng Department of Education (DepEd). Nalaman ng KAMI sa GMA News na namataan si De Leon na binawian ng buhay at nakahandusay sa isang kalye sa Brgy. Concepcion Uno sa Marikina noong Sabado.

Natagpuang puro saksak daw sa leeg at dibdib ang biktima. Holdap ang hinihinalang motibo sa trahedyang nangyari sapagkat nawala raw ang cellphone ni De Leon ngunit hindi naman nawala ang laptop at wallet niya.

Nakita pa raw sa isang CCTV footage na bandang alas dose y medya ng madaling araw ay naglalakad pa sa Katipunan si De Leon. Giit ng pamilya De Leon, nakasanayan diumano ng biktima na mag-aral sa coffee shop.

Ayon sa report ng Interaksyon, halos “five minutes away” na lang daw si De Leon sa kanilang bahay kung saan siya natagpuang patay. Wala rin daw CCTV camera sa lugar na iyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Marikina City Police at mayroon daw pabuya sa kung sinumang makapagtuturo sa suspek.

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na namataang patay ang isang empleyado naman ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Cavite na si Julius Andrew Dizon. Nakita raw na may 50 na saksak ang biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel