'Di kayang tanggapin! OFW nasurpresa sa "tunay na katauhan" ng online GF

'Di kayang tanggapin! OFW nasurpresa sa "tunay na katauhan" ng online GF

-Hindi kayang tanggapin ng OFW na si Ruin Cuarto Cruz ang posibilidad sa tunay na pagkatao ng kanyang GF

-Ayon kasi sa isang miyembro ng LGBT, confirm o ang ibig sabihin ay beki ang nobya ni Cruz

-Malaki ang posibilidad lalo pa at sa loob ng tatlong taon nilang relasyon ay hindi niya pa ito nakausap gamit ang video call

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Ruin Cuatro Cruz upang himingi ng tulong na mahanap ang kanyang nobya na balak na niyang pakasalan.

Ayon kay Cruz, bigla na lamang hindi niya ma-contact ang nobya niyang si Kiel Domingo Mendez nang dumating siya sa Pinas.

Kwento pa nito, tatlong taon na ang relasyon nila ngunit hindi niya pa ito nakakausap o gamit ang video call.

Doon na nagtaka ang host ng programa na si Tulfo.

Ipinakita rin sa programa ang mga litratong ipinadala ni Mendez kay Cruz.

Dahil sa matinding pagtataka, tinawag ni Tulfo ang isa sa mga makeup artist ng programa na miyembro ng LGBT at tinukoy nito bilang "expert".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibig sabihin ay eksperto sa "pag-amoy" kung ang isang tao ay beki o transwoman.

Nang ipakita dito ang litrato ni Mendez ay agad nitong sinabing "confirm" o kumpirmadong beki nga ang nobya ni Cruz.

Hindi naman matanggap ni Cruz ang posibilidad na ito. Naniniwala siyang babae ang nakarelasyon sa loob ng tatlong taon.

Ganunpaman, kung totoo man ang hinalang hindi ito tunay na babae hindi na niya itutuloy pa ang relasyon dito. At hindi na matutuloy pa ang plinano nilang kasal.

Gusto rin niyang mabawi ang kalahating milyong naipadala dito na ayon sa kwento nito ay pambili ng mga properties nila.

Nais na lamang niyang makausap ito ng personal upang maayos ang gusot na kanilang kinasangkutan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter team is tricking Filipinos in the street with the second part of our famous Beggar With A Twist prank. The reactions from the prank victims are just extremely hilarious! You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel