Wow! Anak ng magsasaka, pinalad na magkaroon ng full-scholarship sa Harvard University

Wow! Anak ng magsasaka, pinalad na magkaroon ng full-scholarship sa Harvard University

- Kabilang si Romnick Blanco sa mapalad na nabiyayaan ng full-scholarship sa Harvard University

- Si Romnick ang batang dati ay tumatawid pa ng ilog para makapsok lamang sa paaralan

- Ikapito sa siyam na anak si Romnick ng ama na magsasaka ng palay at gulay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing napakapalad talaga ng binatilyong si Romnick Blanco bilang siya ang napili ng International School Manila upang ipadala sa Estados Unidos bilang iskolar ng prestihiyosong unibersidad sa buong mundo ang Harvard University.

Pampito sa magkakapatid si Romnick at ang pagsasaka ng kanyang mga magulang ang pangunahing pinagkakakitaan ng kanilang pamilya.

Naikwento ni Romnick ang kanyang pinagdaanan sa kanyang pag-aaral. Naranasan niyang tumulay sa rumaragasang ilog makarating lamang sa paaralan.

Ngunit ngayon, di lang ilog ang tatawirin niya. Lilipad pa siya patungong Massachusetts upang magkolehiyo sa isa sa tinitingalang unibersidad sa mundo.

Bumuhos talaga ang biyaya kay Romnick dahil bukod sa full scholarship na sasagot sa kanyang tuition, pati ang kanyang matutuluyan, ang kanyang tiket sa eroplano at maging ang kanyang alowance at pananamit ay sagot na rin.

Kaya naman tunay na nakaka-proud na mayroong isang Romnick na mula ating bansa na nakikipagtagisan ng talino sa ibang bansa. Patunay lamang na di nahuhuli ang mga Pilipino pagdating sa sipag, galing at abilidad.

Samantala, maging ang mga netizens at namangha sa tinatamasang biyaya ni Romnick dahil na rin sa kanyang angking galing. Tunay na nararapat lamang na mabigyan ng ganitong pagkakataon si Romnick.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ito yung mga ganito studyante ang dpat makatangap ng mga scholarship ng goberno di yung mga studyante mga reklamador na mga tga UP pati pag sosout ng uniform ayaw pa tpos gusto lahat libre wlang hiya kakapal ng mukha di gaya ng studyante to kayod tlga hinde asa sa goberno"
"Nakaka proud ang batang ito bilang isang magulang"
"Napaka swerti nman ng mga magulang mo nagkaroon sila ng anak n matalino masipag matyaga mapagmahal n anak may pangarap sa buhay kaya k pinagpala ng ating dios n lumikha dalangin naming mga pilipjno n matupad mo ang mga pangarap mo gabayan k ng dios sa iyong paglalakbay para sa iyong magandang kinabukasan mabuhay k"
"Wow. Isang kang kayamanan ng pamilya, isang magandang ehimplo. Go for it. Hindi hadlang ang kahirapan sa taong nagsisikap, nagtityaga at naniniwalang may diyos na tumutulong at gumagabay sa iyo. God bless u."
" Wow congrats..nakaka proud sa parents na may ganitong anak...may SIPAG, TIYAGA at DETERMINASYON...kaya dapat siyang tularan ng mga kabataan...God Bless"
" Congrats sayo Romnick! Isa kang buhay na patotoo na hindi hadlang ang kahirapan upang maiangat ang buhay para sa mas magandang kinabukasan.Naway patuloy kang pagpalain ng ama at gabayan sa lahat ng oras at pagkakataon.Ikaw at ang mga katulad mo ang tunay na yaman ng bawat magulang na kagaya ko.Tunay na nakatataba ng puso ang makita kung ano at nasaan ka ngayon mula sa pagtawid sa ilog na iyong pinagsumikapang tawirin.Nawa'y mamalagi sa iyong isip at puso ang pagmamahal sa iyong mga magulang at sa inang bayan."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel