'I pity my son..' Ina ni Vice, ipinagtapat kung bakit siya awang-awa sa sikat na komedyante

'I pity my son..' Ina ni Vice, ipinagtapat kung bakit siya awang-awa sa sikat na komedyante

- Guest sa Magandang Buhay ang dakilang ina ni Vice Ganda

- Dito ipinagtapat ng ina ang kanyang saloobin ukol sa kasikatan ng anak

- Sa kabila ng tagumpay, ramdam ng ina ang kaakibat na lungkot dala ng pagiging "kilala"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging guest ang pinakamamahal na nanay ni Vice Ganda, si Mommy Rosario Viceral, sa "Magandang Buhay."

Nalaman ng KAMI na kamakailan lang nagbakasyon silang pamilya sa Boracay upang makapag-bonding.

Di napigilan ng ina ni Vice na magtapat kung bakit naaawa na siya sa anak niya ngayon.

Sabi niya, naaawa na siya kay Vice dahil wala na talaga itong privacy na kahit gusto niyang magbonding sila ng ina ay hindi niya magawa.

Kuwento ng nanay, nung nasa Boracay sila, di siya makalabas dahil dinudumog siya kaagad ng mga tao.

"I pity my son talaga. Sa katanyagan niya ngayon, wala na talaga siyang privacy," sabi ng naaawang ina ni Vice.

"Gusto ko man gawin 'yon, hindi siya makalabas na hindi dudumugin ng tao," dagdag pa ni Mommy Rosario.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat din sa KAMI na may sinabi rin si Mommy Rosario tungkol kay Calvin Abueva na nali-link sa anak.

Sobrang sikat na nga ni Vice ngayon at di makakailang kilala na marahil siya sa lahat ng dako ng Pilipinas.

Si Vice Ganda ay kilala bilang Jose Marie Viceral sa tunay na buhay.

Siya ay aktor, komedyante, host, at stand-up comedian na rin.

Mainstay host siya ng "It's Showtime" ng ABS-CBN at marami na rin siyang pelikulang ginawa na pumatok sa takilya.

POPULAR: Read more about Vice Ganda

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel