Inang OFW, nanlumo, di pinag-aral ng 4-taon ang 3 anak ng mag-asawang pinagkatiwalaan

Inang OFW, nanlumo, di pinag-aral ng 4-taon ang 3 anak ng mag-asawang pinagkatiwalaan

- Isang ina ang lumapit sa TV5 upang ireklamo ang mag-asawang pinagkatiwalaan niya sa kanyang tatlong anak

- Sa loob ng ilang taon, sinusustentuhan niya ang mga bata, tuition, pati na ang kuryente, tubig at pagkain ng mag-asawa

- Nalaman na lang niya na hindi na pala nag-aaral ang mga anak sa loob ng 4 years at sa gaming station na lang pumupunta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Takot at sakit ang naramdaman ni Diana, isang inang OFW, pagkatapos niyang malaman na apat na taon na palang hindi nag-aaral ang kanyang tatlong anak.

Nalaman ng KAMI na pinagkatiwala niya ang tatlong bata sa kilala niyang mag-asawa, sina Froy at Desiree, at walang palya ang pagsusustento niya rito.

Pinadadalhan niya ng pambayad sa tuition fee, pagkain, at lahat ng pangangailangan ng mga anak ay binibigay niya.

Wala ring problema ang mag-asawa sa kanilang mga utilities dahil ang nanay rin ang siyang nagbabayad dito.

Ang pinakamasakit pa ay minsan sa isang taon, umuuwi raw siya at nakikita naman niyang nakasuot ng uniporme ang mga bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hinahatid din daw ni Desiree ang mga anak sa eskwelahan. Sa loob ng dalawang linggo, ito ang nasasaksihan niya kung umuuwi siya.

Kaya naman sobrang takot ang naramdaman niya nang magtapat ang mga anak niya na di na sila nakakapag-aral sa loob ng apat na taon.

Sa gaming cafe na sila nagbababad.

Humingi ng tawad ang mag-asawa sa kanya. Di niya kinasuhan si Kuya Froy dahil sumusunod lang daw ito kay Desiree.

Babayaran daw nila ang pera, magtatrabaho sila para mabayaran. Sinampahan ni Diana ng kasong Chid Abuse si Desiree dahil sa nawalang mga taon sa kanyang mga anak.

Dinala ni Diana balik sa Signapore ang tatlong bata at binigyan ng Special Power of Attorney ang ama para siya na ang magrepresenta sa kanya sa kaso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel