Holdaper, bigong makakuha ng pera, nataranta sa tindi ng sigaw ng biktima

Holdaper, bigong makakuha ng pera, nataranta sa tindi ng sigaw ng biktima

- Madaling araw noong Nobyembre 30 nang tangkaing holdapin ang karinderya ni Corazon Tecson

- Nabigo ang holdaper na tila nataranta pa sa sigaw ng bantay ng karinderya kaya lumabas na lamang dito

- Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek at duda nila ay baguhan pa lamang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di natuloy ang panghoholdap sa isang karinderya sa Barangay Bagbag, Calumpit, Bulacan nang sumigae ang bantay nito.

Sa ulat ng GMA news, bandang 3:34 ng madaling araw noong Nobyembre 30 nang tangkaing holdapin ang karinderya.

Sa kwento ng may-ari nito na si Corazon Tecson, ang pamangkin niya na si Brian ang bantay nang mga oras na iyon.

Makikita sa cctv na kunwari pang bibili ang holdaper nang bigla nitong pakitaan ng baril ang bantay. Alerto at sumigaw daw si Brian na wala sa kanya ang kaha at itinuro kung nasaan.

Ngunit sa tindi ng sigaw, tila nataranta na ang holdaper. Narinig din ni Corazon ang sigaw ni Brian at tinanong niya kung ano ang nangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang mapansing marami nang tao ang dumaan, nagsisigaw pa si Corazon at wala nang nagawa ang suspek kundi lumabas na lamang ng karinderya.

Hinala ni Corazon, baguhan pa lamang ang holdaper dahil tila naduwag pa ito sa kanyang binalak na gawin.

Patuloy paring pinaghahanap ng pulisya ang suspek na may tatto sa may mata at kanang braso.

Kung sinuman daw ang makakita rito, sana'y makipag-ugnayan agad sa pulisya upang di na maulit ang ganitong insidente.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel