Pinay singer, winindang ang X Factor Romania sa kanyang Total Eclipse of the Heart

Pinay singer, winindang ang X Factor Romania sa kanyang Total Eclipse of the Heart

- Winindang ng Pinay singer na si Bella Santiago ang stage ng X Factor Romania Season 8 sa kanyang rendisyon ng Total Eclipse of the Heart

- Biyernes ng gabi, ginanap umano ang naturang show kung saan bumira ng mataas na birada si Bella sa 1983 hit song

- Sa kanyang angking galing sa pagkanta ay magpapatuloy siya sa live shows ng naturang talent-search show

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na ang Pinay singer na si Bella Santiago ay winindang ang audience at show ng The X Factor Romania Season 8 ng napaka powerful na kanta na isang hit song noong 80s ang Total Eclipse of the Heart.

Ayon pa sa ABS-CBN News, Biyernes ng gabi ay kinanta ni Bella ang naturang hit song ni Bonnie Tyler.

Dahil sa kanyang powerful performance at rendisyon ng kanta ay natalo raw niya si Christian Sanda sa Duel round.

Si Bella Santiago raw ang kauna-unahang Pinay na umabot sa live show sa The X Factor Romania.

Ani pa umano ni Christian Sanda tungkol kay Bella:

“Bella is a complete package, has an amazing voice, her stage presence... I am speechless. She knows her body very well."

Ang kanilang mentor umano na si Delia Matache ay inamin na nahirapan siya sa pagpili kina Christian Sanda at Bella Santiago.

Saad pa ng naturang mentor:

"It was fantastic. I have no words!"

Dugtong naman umano ni judge Stefan Banica:

“Applause for both contestants. That is what I call a duel! You chose two well-known pieces and my favorite ones. It was a risk for you, Cristian. The difference is you've shown a different side of you. Bella showed a different kind of artistry. You have two extremely competitive contestants."

Pagtatapos pa ng balita, si Bella Santiago na isang Caviteña ay nanatili umanong crowd favorite sa season na ito sa kanyang mga performances na isa sa pinaka most streamed o viewed sa YouTube channel.

Umabot na sa mahigit 4 million views ang kanyang audition clip at 1. million nman ang kanayng 4-chair challenge umano.

Isa sa Bella Santiago sa walong contestants na magpapatuloy sa live show ngayong December 9.

Una naming binahagi ang pagkakuha ni Bella ng chair sa 4-chair challenge ng show sa kanyang pagkanta ng Rolling in the Deep, na bersyon ni KZ Tandingan.

Sinuportahan naman si Bella Santiago ni KZ Tandingan sa kanyang pagsabak sa X Factor Romania.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel