Lalaki patay sa 50 saksak! Salarin umano nasabi nito bago malagutan ng hininga

Lalaki patay sa 50 saksak! Salarin umano nasabi nito bago malagutan ng hininga

-Patay ang isang empleyado ng DTI nang pagsasaksakin ito ng suspek na kinontrata umano nito sa paggawa ng kanyang bahay

-Nalaman ng ina nito ang suspek nang masabi pa nito kung sino ang gumawa ng krimen bago malagutan ng hininga

-Nananawagan naman ang DTI sa PNP para sa mas mabilis na paghuli sa umano'y suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang 30-anyos na si Julius Andrew Dizon, empleyado ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Imus, Cavite.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente nitong Miyerkules. Nagtalo umano ang biktima at ang hinihinalang suspek na si Ronnie Libid, ang kinontrata ni Dizon na gumawa ng kanyang bahay.

Imus City police chief Superintendent Junar Alamo, nagtalo ang dalawa dahil sa hindi pa nagagawa ang bahay ng biktima kahit buo na ang bayad para rito.

Ito na umano ang dahilan ng pananaksak sa biktima na nagtamo ng limampung tama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago malagutan ng hininga ay nasabi pa umano nito sa ina at sa mga pulis kung sino ang may gawa sa krimen.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

“Isang buhay ang nasayang. May double masteral degree [siya], very professional... Isa [siya] sa pinakamagagaling na personnel ng DTI," ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo.

“Nag-aapela tayo sa law enforcers natin kay [Philippine National Police chief Director General Oscar] Albayalde na make sure we bring justice to the family,” dagdag nito sa panayam sa ABS-CBN News.

Bukod sa pananaksak, tinangay pa umano ng suspek ang sasakyan ng biktima. Sasampahan ito ng kasong murder at carnapping.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel