KC Concepcion, pinasilip ang isa sa kanyang property investments

KC Concepcion, pinasilip ang isa sa kanyang property investments

- Ibinahagi ni KC Concepcon ang isa sa kanyang mga investment

- Sa mahabang caption ng ibinahaging picture, ikinuwento niya ang mga natutunan sa kanyang mga magulang at lola

- Ibinahagi din niya ang kahalagahan ng pag-iinvest

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ni KC Concepcion ang picture na kuha sa isang property na isa sa kanyang mga investments. Ayon sa aktres, itinuro sa kanya ng kanyang grandparents at mommy ang pag save at pag invest.

Kagaya daw sa ibang mga millenials na kaedad niya ay patuloy pa rin siyang natututo sa paghawak at pagpapalago ng kanyang kinita.

Kasama daw ang kanyang stepdad sa pagturo sa kanya ng kahalagahan ng pag-invest bago pa ang kung ano mang luho kagaya na lamang ng mamahaling bag na Hermes.

Hindi niya tahasang sinabi na sa kanya ang nasabing property ngunit ilan sa kanyang followers ang nagbunyag na ang nasabing property ay matatagpuan sa San Vicente, Palawan na halos 8 hectares daw ang lawak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa nasabing follower na may handle na @iambeautiful1231, may beach property din ang ina ni KC na si Megastar na kalapit lang din sa property ng dalaga.

Marami naman ang lalong nainspire at humanga kay KC na kung iisipin ay ipinanganak na mayaman ngunit hindi tumitigil sa pagpapalago ng kanyang investments.

Si KC Concepcion ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts from sa American University of Paris.

POPULAR: Read more about KC Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel