OFW nurse, sinumbatan pa di umano ng kapatid nang di mapagbigyan sa hiling na "kotse"

OFW nurse, sinumbatan pa di umano ng kapatid nang di mapagbigyan sa hiling na "kotse"

- Naglabas ng saloobing ang OFW nurse na nasumbatan ng kapatid na di niya napagbigyan sa hiling na sasakyan

- Nasaktan ang Pinay sa panunumbat ng kapatid gayong marami na itong naitulong as kanila

- Nais kasi ng kanyang kuya na mangutang siya ng halagang ₱150k hanggang ₱200k para sana sa hiling na sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang Pinay nurse sa Canada kung saan naglabas ito ng sama ng loob dahil umano sa mga nasabing masasakit na salit ng kanyang kapatid.

Ayon sa Pinoy Juander, marami namang naitulong ang nurse sa kanyang mga kapatid. Nabigyan na niya ng ₱200k ang bunsong kapatid para sa puhunan sa negosyo.

Nalugi ang negosyo na iyon ngunit hinayaan na lamang daw niya. Bagkus, binigyan niya ulit ito ng pang-puhunan sa mini grocery store.Dinagdagan pa raw niya ito ng ₱25k nang umuwi siya ng Pilipinas.

Kahit pa may maayos na trabaho ang panganay na kapatid na lalaki, binibigyan pa rin niya ito ng kanyang mga hinihiling gaya ng mamahaling sapatos at mamahaling mga relo.

Ngunit, di niya lamang ito napagbigyan sa hiling nito na pambili ng kotse. nais kasi ng kanyang kuya na mangutang siya ng halagang ₱150k hanggang ₱200k para rito.

Imbis na unawain ng kanyang kuya ang pagtanggi ng nurse na kapatid, nagawa pa niya itong sumbatan.

Inakusahan ang nurse ng kanyang kapatid na makasarili dahil sa di niya ito napagbigyan sa hiling na pambili ng sasakyan. Katwiran naman niya, may sarili rin naman na siyang pamilya sa Canada. Pinapaaral na rin niya ang isang anak ng kuya niya na umaabo sa ₱30k ang matrikula. Libre pa raw na nakatira sa lupang pagmamay-ari niya ang kuya at pamilya nito ng libre.

Kaya naman di maiwasang masaktan ng nurse nang sumbatan pa siya ng kuua dahil lamang sa di niya ito napagbigyan sa hiling.

"Nakakasama lang po talaga ng loob na parang ang gusto nila patayin ko sarili ko kakatrabho habang sila nagpapakasarap sa pinas," pahayag ng nurse.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, marami namang ang nakaunawa sa hinaing ng OFW at di raw tama ang ginawa ng kuya nito dahil lamang sa di napagbigyan ang gusto.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" Lage mong tandaan wala kang obligasyun kahit kanino sa sarili mo lang at sa anak mo...if they dont know how to appreciate then let them live what they believe...hindi mo mababago ang utak ng mga tamad ang alam lang nila manisi at magreklamo..."

"Yan ang mga taong tamad! Pag may pamilya na kasi dapat hindi na obligasyon pa ang mga kapatid! Ipagpasalamat nalang if nakakapagbigay hindi yung ngdedemand pa!"
"pabayaan mo sila...may mga sariling pamilya na yan, hayaan mong magbanat ng buto!!!!...madami ka ng naitulong sa kanila, tama na yun..abusado sila, wag mo na panisinin mga sinasabi nila..i- block mo sa fb saka messenger, time na para sariling family mo asikasuhin mo...wala kang obligasyon sa kanila tandaan mo yan.."
"Dami nyan di mga mrunong mg appreciate ng mga bagay na kung tutuusin di nila pinghirapan akla nila msrap buhay abroad di nila alam mhal mamuhay sa ibng bnsa pagdika ngtrbho mgugutom ka wlng tutulong sayo kundi srli mo lng"
" Relate much sis,same situation tyo.......ang sakit ano..pero i let go mo n pra hindi k m depress..move on..you have your own life.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel