Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg

Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg

- Isang one-year-old na bata ang namatay pagkatapos suntukin at sakalin ng yaya dahil sa kaiiyak

- Umalis ang yaya sumunod na araw at di man lang tiningnan ang kundisyon ng bata

- Nadatnan na lang ito ng ama na wala nang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang taong gulang ng bata pagkatapos siyang suntukin ng yaya sa leeg dahil sa walang tigil na kaiiyak.

Nalaman ng KAMI na ito ay naganap sa gabi kung saan gusto nang matulog ng yaya pero iyak nang iyak ang bata.

Ayon sa report ng The Asian Parent, ang bata na si Richelle Teo Yan Jia, ay natutulog sa tabi ng yaya na si Maryani Usman Atar, at nang umiyak ito, pinatahan siya ng yaya.

Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg

Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg (Photo: flickr)
Source: Facebook

Kaya lang, kahit anong gawin ng yaya, di raw ito tumigil sa kaiiyak.

Hinawakan raw ito ng yaya sa likod ng leeg, tapos sinuntok ang gilid ng leeg nito.

Ilang sandali ang lumipas, tumigil na sa kaiiyak kaya nilapag uli ng yaya sa higaan ang bata.

Kinaumagahan, umalis ang yaya upang makipagkita sa pamilya na galing Indonesia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dumating ang ama ng bata sa bahay at ito'y nabahala nang makitang nangingitim ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha, pati na rin ang kaliwang kamay at paa.

Nang idiin niya ang kamay sa ilong, dito napagtantong di na nga humihinga ang bata.

Itinakbo ng ama sa ospital pero DOA na ang bata.

Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg

Mag-ingat sa pagpili! 1-yr-old binawian ng buhay pagkatapos suntukin ng yaya sa leeg (Photo: wikimedia commons)
Source: Facebook

Nahuli ang yaya at sinampahan ng kaukulang kaso. Depensa ng abugado niya, dumadaan daw siya sa depresyon dahil di na nakayanan ang lahat ng trabahong ginagawa.

Sabi naman ng prosecution, hindi iyon dahilan upang saktan ang batang walang kalaban-laban.

Pitong taong pagkakabilanggo ang naging sentensya sa kanya ng pamahalaang ng Singapore.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel