Naloko na! Mister pinagpalit ni Misis sa lalaking pamilyado din

Naloko na! Mister pinagpalit ni Misis sa lalaking pamilyado din

-Buking ni Mister ang kanyang asawa na pharmacist na may ibang karelasyon

-Ang karelasyon nito isang nurse naman sa ospital na pinagta-trabahuhan

-Ngunit si lalaki pamilyado na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Shaun Paolo de Guzman kaugnay ng pangangaliwa daw ng kanyang misis.

Ayon kay de Guzman, matagal na daw siyang may hinala na may kakaibang nangyayari sa kanyang asawa.

Isang pharmacist si misis na kinilalang si Charlene Rei Gigante-de Guzman sa Mission hospital sa Pasig City habang ang nagrereklamong asawa ay may home-based job.

Kwento mister, madalas daw na mag-usap ang misis at ang lalaki sa viber at noon daw tinanong niya ito tungkol sa lalaki ay agad daw na itinanggi ang hinala niya.

Ang lalaki naman na kinilalang si Michael Angelo Asebuche na isa namang nurse sa kaparehong ospital na pinagta-trabahuhan ni misis ay pamilyado na rin!

Ang masaklap pa, ito pa daw ang matapang at naghahamon ng away kay mister sa kabila ng kasalanang nagawa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, tuluyan namang nakumpirma ni mister ang kanyang hinala nang minsang tulog na tulog ang asawa.

Dahil sa panay daw ang tunog ng cellphone nito, nagawa daw niyang tignan ito ngunit dahil may lock ang cellphone ng asawa, ginamit niya ang daliri nito upang ma-unlock a ng cellphone nito.

At dahil tulog na tulog ito, hindi ito nagising sa kanyang ginawa. Doon niya na nabasa ang mga patunay na mayroon itong affair kay Asebuche.

Maging ito daw ay nag-aalala na rin dahil naghihinala na rin daw ang asawa nito.

Dahil sa nangyari, umalis daw si mister sa kanilang bahay at huli niyang nakita ang asawa noong October 23 sa kaarawan ng kanilang anak.

Ayon kay mister, huli niyang balita ay nagdesisyon na umano ang mga ito na tuluyang magsama.

Si mister at misis ay may isang anak, ngunit bago sila ikasal ay may dalawa ng anak si misis sa iba.

Dahil kasal sila, maaaring sampahan ng kaso ni mister si misis.

Sinubukan ng programa ni Tulfo na hingin ang panig ni misis ngunit hindi ito sumasagot.

Bukas po ang KAMI sa panig ni misis at ni Asebuche.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado

It's Showtime host Karylle, nag-wild dance daw sa pre-wedding party ni Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel