Mala-"Glorious"! Customer, namangha sa love story ng mag-asawang nakilala niya sa parlor

Mala-"Glorious"! Customer, namangha sa love story ng mag-asawang nakilala niya sa parlor

- Binahagi ng isang netizen ang real-life "Glorious" couple na nakilala niya sa parlor

- Namangha ang netizen na si Maricris Ciano sa love story na ito dahil nangyayari pala talaga ito sa totoong buhay

- Dalawang taon na raw ang relasyon at nagiging matibay pa raw sila sa tagal ng panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala ng netizen na si Maricris Ciano ang real-life na ala- "Glorious" couple nang minsan siyang nagpakilay ng buhok sa parlor kung saan sila nagtatrabaho.

Ayon sa kanyang post sa Facebook, agad niyang tinanong ang lalaki kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang partner gayung mas matanda ito sa kanya.

"Ayoko sa bata mam kasi pag iniwan mo yan saglit asahan mo pag balik mo may iba na yang sinamahan.Saka mabait at maalaga sya sa kin kaya ko sya minahal," sagot ni Julius Fami, pangalan ng lalaki.

Ang nakakatuwa pa raw sa relasyong ito, mas malambing pa ang lalaki kaysa sa babae. Nahihiya raw kasi ito minsan marahil dahil sa kanilang edad.

Minsan pa nga, ang pakilala ng babae kay Julius ay 'pamangkin' lamang niya, habang ang lalaki, sinasabing misis niya talaga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang pamilya ni Julius ay kilala na ang kanyang 'asawa' at di niya talaga kinahiya ang kanilang relasyon.

Nilarawan niya ito bilang mabait, mapagmahal at maalaga kaya naman lalo pa niya itong minahal.

Lalo pang namangha si Maricris nang tahasang sinabi ni Julius na mahal na mahal niya ang babae dahil di naman daw sila tatagal kung hindi.

Dalawang taon na ang kanilang pagmamahalan na umusbong sa parlor kung saan nagtatrabaho ang babae habang si Julius naman ang bantay ng barbeque stall sa labas lamang ng parlor.

Ito raw ang unang beses na na-in love si Julius sa babaeng may edad kaysa kanya.

May ilan pa ngang mga nagpaparamdam sa kanya na mas bata na mga babae. Kinukuha pa ang kanyang cellphone number ngunit siya na rin mismo ang umaayaw at sinasabing may asawa na siya.

Maging sa kanilang lugar, tila tanggap na rin ang kanilang relasyon. Laking pasalamat nila at halos walang pakialaman ang mga tao sa siyudad kaysa sa probinsya na dahil sa halos magkakakilala ang mga tao, mas madali silang mahusgahan.

Tuwang tuwa si Maricris na makapanayam ang dalawa, at napapaniwala siya lalo sa kasabihang "Age doesn't matter pala talaga sa love."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel