Asawa ni GF, pangunahing suspek umano sa pagpatay sa 1 negosyante

Asawa ni GF, pangunahing suspek umano sa pagpatay sa 1 negosyante

-Patay ang 1 negosyante matapos itong barilin sa harap ng kanyang tindahan

-Ang pangunahing suspek, ang asawa ng kanyang GF ayon sa pahayg ng ina ng biktima

-Nadamay naman ang 1 customer ng biktima na namatay rin sa pamamaril

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay ang negosyanteng kinilalang si Julius Garcia sa pamamaril ng 'di pa nakikilalang suspek sa Mexico, Pampanga.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabubukas pa lamang ng motorcycle parts shop na pag-aari ng biktima ng biglang may nagpaputok.

Ayon sa saksi na tauhan ni Garcia, akala daw niya ay grinder lamang ang pumutok ngunit laking-gulat niya ng masundan pa ang pagputok at humandusay na ang kanyang amo.

Doon na ito napatakbo sa loob ng tindahan ng biktima.

Ayon naman sa ina ni Garcia, posibleng selos ang dahilan ng pagpatay sa kanyang anak. May asawa daw kasi ang nobya nito at may mensahe pa daw ito sa biktima na "papatayin kita".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago pa lamang daw ang relasyon ng dalawa at dahil sa komplikadong sitwasyon ay madalas na daw niyang paalalahanan ang 2.

Nasa proseso namn na daw ang annulment nito ngunit kinausap na rin daw niya ang nobya ng anak na huwag muna silang lumantad dahil masakit pa ang loob ng asawa nito.

Mayroon din daw mga tao na madalas na magtanong ng piyesa ngunit hindi naman daw bumibili.

Dahil dito kung kaya nang mapatay ang anak ay ito ang agad na pumasok sa isip ng ina ng biktima.

Ang nobya ng anak ay supplier daw ng biktima na nagkagustuhan bandang huli.

Ayon sa report, hindi pa raw nakakadalaw ulit ang babae sa burol ng nobyo.

Bukod kay Garcia, patay rin ang 1 customer nito na kasalukuyang nasa shop ng biktima nang mangyari ang insidente.

Asawa ni GF, pangunahing suspek umano sa pagpatay sa 1 negosyante

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines

Sotto says medical mj is already allowed in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel