Ina ng anak na nagsanla ng alahas, umiiyak na nagmakaawa sa lola na makausap ang anak niya

Ina ng anak na nagsanla ng alahas, umiiyak na nagmakaawa sa lola na makausap ang anak niya

- Pagkatapos pinagsabihan ni Tulfo ang anak ni Liza na pasaway siya dahil sa ugali at tabil ng dila, sinamahan nila si Liza sa Roxas City

- Pinuntahan nila ang dalawang bahay na tinitirhan ng lola at ng anak niya para makausap si Ara pero wala raw sila roon kahit ang sasakyan ay nasa loob ng bahay

- Nagsumamo si Liza sa nanay niya na makausap njiya ang anak na si Ara kahit limang minutos lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Liza Jane Villar ay dumulog kay Tulfo upang makuha ang kustodiya ng anak niya sa lola na diumano'y nanunulsol dito upang magrebelde sa kanya.

Naiulat sa KAMI na sinanla ni Ara (anak ni Liza) ang mga alahas nito sa halagang P225K na naubos sa loob ng 10 araw lamang.

Naglahayas ang bata at umuwi balik sa lola dahil dinisiplina ni Liza. Kaya tinulungan siya ni Tulfo na makapunta sa Roxas upang makausap ang kanyang 16-years-old na anak.

Pinuntahan nila ang dalawang bahay, ngunit wala raw tao doon. Sa bagong bahay kung saan ang sasakyan ay andun ay di rin siya pinapasok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na bumigay ang nanay at umiyak sa gate, nagsumamo sa sarili niyang ina na ipakausap sa kanya ang anak.

Nanawagan din siya kay Ara na kausapin siya nito kahit nga singko minutos lang.

Patuloy na susuyuin ni Liza ang anak, at nag-iisip na rin siya na magsampa ng kaso para makuha na rin lahat ng perang ibinigay niya at kanilang ipinundar ng mga ari-arian nila.

Tutulungan din daw si Liza ng Tulfo in Action na makahanap ng magaling na abugado.

Narito ang nakakaiyak na tagpo kung saan ang isang ina ay nagmakaawa na sa sarili niyang ina na ipakausap ang anak niya sa kanya!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel