"Guro kong pulis"! Mga pulis nagbabahagi ng karunungan sa mga batang lansangan

"Guro kong pulis"! Mga pulis nagbabahagi ng karunungan sa mga batang lansangan

-Itinampok sa isanag episode ng Brigada ng GMA News ang mga pulis na miyembro ng isang programa

-Ang programang "Ang guro kong pulis" ay naglalayon na makapagbahagi ng karunungan sa mga batang lansangan, lalo na sa mga naliligaw ng landas

-Aminado sila na mabagal ang prosesong ito upang tuluyang mailayo sa baluktot na landas ang mga kabataan kung kaya naman ang bala nila sa prohgramang ito ay tyaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kabi-kabilang balita tungkol sa mga kasong kinasasangkutan ng ating kapulisan, hindi pa rin maitatanggi na mayroon tayong mga alagad ng batas na totoong nagseserbisyo sa bayan.

Katulad na lamang ng ilang mga pulis na itinampok sa programang Brigada ng GMA News.

Ang mga pulis na mula sa Manila Police District na pinamumunuan ni SPO1 Dennis Bendo ay miyembro ng programang "Ang guro kong pulis".

Layon ng programang ito na makapaghatid ng karunungan sa batang lansangan lalo na iyong mga naliligaw ng landas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinahihiram nila ang mga ito ng mga libro at tinuturuan ng mga madaling aralin katulad ng alpabeto.

Naniniwala silang pinakamahalagang sandata ang libro pagdating sa pag-aaral lalo pa at ang mga batang ito ay wala namang kakayahang bumili ng mga mamahaling gadget para matuto.

Kaya naman ang polise mobile ay nagsisilbi na ring mobile library para sa mga kabataang ito.

Hindi naman daw sila nabigo dahil may mga kabataan silang nahihikayat na bumalik sa pag-aaral.

At kahit pa aminado sila na ito ay isang mabagal na proseso, naniniwala silang sa pamamagitan ng tyaga ay matutupad rin ang kanilang adbokasiya.

Mula sa KAMI, saludo po kami sa inyo mga ma'am at sir!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media

Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media

Video ng malakas na halakhak ni Yen Santos dahil sa kanyang joke, viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel