PWD teacher, hindi lang leksyon sa eskwela ang naibabahagi sa mga estudyante

PWD teacher, hindi lang leksyon sa eskwela ang naibabahagi sa mga estudyante

-Si Richard Navor, 31-anyos na guro ang inspirasyon hindi lang sa mga leksyon na naituturo nito kundi maging sa katatagan sa buhay

-Isang matagumpay na financial analyst at piniling maging guro at magbahagi ng mga natutunan

-Pinatunayan ni sir Richard na hindi ang sakit na cerebral palsy ang makakapigil sa kanyang maging inspirasyon para sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang 31 taong gulang na si Richard Navor ay may cerebral palsy. Hirap siyang kumilos at maglakad dahil sa kondisyon.

Sa kabila nito, isa siyang matagumpay na financial analyst na piniling ilaan ang bakanteng oras upang makapag turo.

Si sir Ricahrd ay isang propesor sa University of the East sa Caloocan at kada Miyerkules ay nagtuturo naman sa mga estudyanteng senior high school sa isa pang eskwelahan sa Caloocan.

Mag-isang buma-biyahe at nagmamaneho ng kanyang kotse si sir Richard. Sa eskwelahan naman, naghihintay siya ng estudyanteng pwedeng tumulong sa kanya na magdala ng kanyang mga gamit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasa ikatlong palapag kasi ang kanyang classroom.

Sa loob ng silid-aralan, hindi lang leksyon ang naibabahagi niya sa kanyang mga estudyante. Isa rin siyang magandang ehemplo sa mga ito.

Larawan siya ng katatagan at pagpupursige sa buhay kaya hindi kataka-takang nakuha niya ang paggalang mula sa mga batang kanyang ginagabayan para matuto.

Ayon sa kanya, ang fulfillment na kanyang nararamdaman mula sa pagtuturo at ang sayang nakikita mula sa mga estudyante ang siyang motibasyon niya upang magpatuloy.

Mula sa KAMI, mabuhay ka sir Richard!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel