LJ Reyes, takot raw manganak sa pangalawang pagkakataon

LJ Reyes, takot raw manganak sa pangalawang pagkakataon

- Ayon pa sa balita, sa January 2019 na raw ang kapanganakan ni LJ Reyes para sa kanyang ikalawang anak

- Pero hindi pa raw fully prepared si LJ para manganak sa anak nilang babae ni Kapuso aktor Paolo Contis

- Dagdag pa sa balita, nagpapractice pa daw ang Kapuso aktres ng breathing para sa pagdating ng kanyang ikalawang baby

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nalaman ng KAMI sa Enero na sa susunod na taon na ang kapanganakan sa anak na babae ni LJ Reyes kay Paolo Contis.

Pangalawang panganganak na ito ni LJ Reyes pero ani pa sa balita ng PEP, kung saan namin unang naispatan ang balita, na takot umano ang Kapuso aktres.

Nang tinanong naman daw ito tungkol sa kanyang mga preparasyon, natatawa pang bahagi ni LJ:

"Nag-aano na ko, practice ng breathing."

Dugtong pa niya:

"Hindi, actually wala pa, medyo busy rin kasi talaga, kasi yun nga, si Pao sobrang busy, 'tapos lagi akong kasama. So, sumasabay din yung mga renovations para sa kuwarto ng baby, so medyo busy talaga."

Patuloy pa na pagbahagi ni LJ:

"Okay naman sa akin yun, yun nga lang parang sabi ko parang dumaan lang yung pagbubuntis ko. Malapit na din ang January, 'tapos sumabay pa na dadaan yung Pasko, so yung time parang napakabilis talaga."

Sa naturang panayam din ay inamin ni LJ Reyes na ninerbiyos daw siya para sa kanyang upcoming delivery.

Walong taon na daw ang nakaraan nang pinanganak niya ang kanyang panganay na si Aki, ang anak niya sa dating ka partner na si Paulo Avelino.

"Sabi nga nila five years… kunwari five years ang agwat parang first pregnancy daw uli yun sa katawan ng babae. Actually nung kay Aki, wala akong masyadong fear, yung parang, 'Bakit kayo natatakot na manganganak ako?'Yung concerned na concerned yung family mo, pero ikaw parang, ‘Bakit kayo natatakot?'Ngayon sabi ko, ‘Ah medyo nakakatakot pala, no?'"

Paliwanag pa ni LJ:

“Kasi aware ka na sa pain, aware ka sa possible na mga puwedeng mangyari sa ‘yo medically, ganyan."

Pagtatapos pa ng Kapuso aktres:

"But we are very excited, kahit si Aki, very excited. So talagang yun, kahit na merong konting fear lang na parang sana… may mga wishes ka na like kunwari, sana normal pa rin, ganyan. Sana walang maging problema, pero mas excited kami kesa dun sa mga fear."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel