Wala ng piniling lugar! Dalagita minolestya habang nakasakay sa 1 ride

Wala ng piniling lugar! Dalagita minolestya habang nakasakay sa 1 ride

-Isang 12-anyos na dalagita ang nagreklamo sa pangmomolestiya sa kanya ng isang Indian national habang sila ay nakasakay sa isang ride

-Nangyari ang insidente sa Universal Studios sa Singapore

-Nadakip naman ang suspek na napag-alamang isang ama din sa newborn na baby girl

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang pinipili ang masasamang tao ngayon para magsagawa ng krimen.

Isang dalagita ang na-trauma sa insidenteng naganap sa isa sanang masayang lugar para sa mga kabataan.

Ayon sa report, pumunta raw ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa Universal Studios Singapore. Napagkasunduan ng mga ito na sumakay sa "Revenge of the Mummy".

Ang "Revenge of the Mummy" ay isang indoor rollercoaster at may dim na ilaw lamang.

Kasama ang 2 kaibigan sumakay ang biktima. Isang Indian National ang umupo sa kanyang tabi.

Ang ride ay dahan-dahan munag aakyat bago mabilis na aandar, doon na umano naramdaman ng dalagita na hinihipo ng suspek ang kanyang kanang hita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una ay hindi nito pinansin ang ginawa ng suspek ngunit pagkatapos ng ride na-trauma na ang kawawang biktima.

Ayon dito, limang beses siyang hinipuan ng suspek sa iba't-ibang bahagi ng katawan kabilang na sa dibdib.

Sinubukan pa niyang takpan ng mga braso ang kanyang dibdib upang maproteksyunan ang sarili.

Ngunit ang masaklap sa pangyayari sa biktima ay wala itong magawa para makatakas sa suspek dahil sila ay nasa isang ride.

Agad niya itong sinabi sa kaibigan at nakapagreport sa staff ng Universal Studios.

Kinilala ang suspek na si engineer Rohit Kumar Joshi na nahatulang guilty. Napag-alaman pang ito ay ama din ng isang batang babae.

Upang makaiwas sa ganitong pang-aabuso ang ating mga anak, ipaliwanag natin sa kanila ang ibig sabihin ng pang-aabuso lalo pa sa mga batang babae.

Source: The Asianparent, Yahoo News

Wala ng piniling lugar! 1 dalagita ang minolestya habang nakasakay sa 1 ride

Photo source: The Asianparent / Photo for illustration only
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI street challenge: We went to the streets of Manila to see whether Filipinos are willing to slap their friends for P200! The result of the experiment is extremely hilarious! How about you? Would you slap a friend to get money? You can also check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel